Advertisers

Advertisers

Disqualification case vs Pasig City Mayor Vico Sotto umarangkada!

0 84

Advertisers

Kasong Vote Buying ang kinakaharap sa ngayon ni incumbent Pasig City Mayor Victor Ma Regis “Vico” N. Sotto na posibleng ma- disqualified ayon sa nilalaman ng Omnibus Election Code.

Base sa isinumiteng reklamo sa mismong tanggapan ng Commission on Election (Comelec) ni Victor Barral dating Pasig City Hall employee at miyembro rin ng Citizen Crime Watch (CCW) laban kay Mayor Sotto dahil sa hayagang Vote Buying.

Lumalabas sa complaint for disqualification under section 68 of the Omnibus Election Code for Violation of Section 261(a) (1) of the Omnibus Election Code (Vote Buying) and section 261(o) Vs Vico Sotto.



Nakasaad sa complaint VS Sotto ang paggamit ng public funds Money Deposited in trust Equipment Facilities Owned or Controlled by the Government for an election campaign.

Ayon kay Barral matagal niyang pinagisipan ang gagawing pagsasampa ng disqualification case laban kay Sotto dahil ang hawak niyang mga ibedensiya ng vote buying ay supisyente at pawang tutuo.

Dahil dito ay minabuti ni Barral na isangguni sa kanyang kaibigan at kasamahan din nitong miyembro ng CCW Atty. Ferdinand Topacio ang dapat gawin kung saan napag desisyunan na maghain ng disqualification case laban kay mayor Vico nitong May 9,2025

Pinaliwanag ni Atty. Topacio sa ginanap na press conference na tanging exemption lamang para hindi pumasok sa vote buying ay ang pamamahagi ng burial assistance at maging ang medical expenses, ayon sa hawak na ibedensiya ng vote buying ni Sotto ay ang ginawang pamamahagi ng allowance ng mga estudyante nitong nagdaang May 6,2025 kung saan malinaw na nakasaad sa alituntunin ng Comelec na bawal ng mamahagi ng anumang tulong 10 araw bago sumapit ang eleksiyon. (Cesar Barquilla)