Advertisers

Advertisers

Karma is real? Binay, Binay… binalikan ka rin!

0 9

Advertisers

Tingnan mo nga naman ang ikot ng mundo. Kung dati’y tila untouchable si Makati Mayor Abby Binay, ngayon ay sunod-sunod ang dagok na humahampas sa kanya.

Parang sa teleserye lang no, may mga eksenang hindi mo inaasahang babalik ba sa bida… o kontrabida?

Kamakailan lang, dalawang residente ng Taguig ang nagsampa ng kaso laban sa Mayora dahil sa pagiging gahaman ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pagsasara ng mga health centers at iba pang pasilidad sa mga barangay ng EMBO, na ngayon ay nasa hurisdiksyon na ng Taguig.



Pero hindi lang y’an ang problema ni Mayor Abby. Nitong buwan lang din, naglabas ng restraining order ang Regional Trial Court ng Taguig na tigilan na ng Makati ang pakikialam sa mga public facilities na dapat ay matagal nang isinuko sa Taguig.

Sa madaling salita, tigil na sa panghihimasok.

Dati, Makati ang hari sa EMBO. Pero ngayon, malinaw na Taguig na ang may hawak ng manibela. Kaya ang patuloy na pagharang sa mga serbisyo, lalo na sa kalusugan, ay hindi lang nakakainis — nakakagalit. Dahil ang tunay na naaapektuhan ay ang mga ordinaryong mamamayan.

Buti na lang at mabilis ang kilos ng Taguig sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano. Mula’t sapul, tinuring niyang kapantay ang mga EMBO barangay ng ibang bahagi ng lungsod. Lahat may access sa serbisyo—walang pinipili, walang naiiba.

Mensahe lang kay Mayor Abby: Hinay-hinay lang. ‘Wag maging gahaman sa kapangyarihan. Dahil minsan, ang sinisikil mo ngayon… siya ring magdadala ng problema mo bukas.