Advertisers

Advertisers

MAYOR VICO SOTTO, KINASUHAN NG VOTE BUYING SA COMELEC-ATTY. TOPACIO!

0 46

Advertisers

Kasong paglabag sa Section-68 ng Omnibus Election Code ang kinakaharap  ni Pasig City Mayor Victor Regis “Vico” Sotto

Ito’y matapos ireklamo ni Victor Barral dating empleyado ng city hall at miyembro ng Citizen’s Crime Watch si Sotto ng vote buying.

Sa press conference, sinabi ni Barral, Mayo 7, 2025 ng mamahagi umano si Sotto ng scholarship allowance sa mga Pasigueño..

Kung saan mahigpit na tagubilin ni COMELEC Chairman George Garcia bawal ang mamahagi ng anumang uri ng ayuda sa oras ng campaign period.

Bilang isang mabuti anyang mamamayan minabuti n’yang magkahain ng reklamo sa COMELEC laban kay mayor Sotto.

Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, tumatayong legal council ni Barral, hindi pa s’ya na involved kahit kaninong politician at eleksyon sa bansa.

Dagdag nito, s’ya ang national chairman ng Citizen’s Crime Watch at wala s’yang relasyon sa sinumang politiko sa lungsod ng Pasig.

Sinabi din ni Topacio, NPC-director maging ang kanya umanong mga chapter ay hindi nag-eendorso ng kahit sinong kandidato.

Anya, ayon sa batas 10 araw bago ang eleksyon mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng ayuda.

Maliban anya kung ito ay exempted tulad ng burial at medical na hindi mo alam kung kelan ka mamatay at magkakasakit.

Ani Topacio, hindi saklaw ng exemption ang pamimigay ng scholarship allowance sa mga mag-aaral noong buwan ng Enero ng local government unit.

Sa huli, hindi umano n’ya sinasabi na guilty si mayor Vico at may karapatan itong ibigay sa Comelec ang kanyang panig.