Advertisers

Advertisers

Bumoto ng kandidatong may prinsipyo at may mabuting asa l – Mayor Honey

0 7

Advertisers

BUMOTO ng kandidatong may prinsipyo at may mabuting asal.

ITO ang panawagan ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng ‘miting de avance’ ng lahat ng distrito, kung saan hinimok niya ang mga residente na lumabas, kumbinsihin ang mga kaanak, kaibigan at maging kaaway na iboto ang kandidatong walang bahid ng katiwalian, kasinungalingan at may isang salita.

“Ang tunay na dangal at kabutihang-asal ay makikita lang ninyo sa pamilya Asenso Manileno, wala nang iba,” ito ang pinagkakapuring pahayag ni Lacuna sa harap ng dambuhalang mga pagtitipon sa third district ng Maynila, kung saan dinaluhan ng 12,000 katao base sa pagtataya ng kapulisan.



Sa kanyang talumpati, nangako si Lacuna na lahat ng mga benepisyo ng senior citizens, kabilang ang dobladong buwang allowance, ay ‘di lamang magtutuloy kundi madadagdagan pa sa pagpapatuloy ng kanyang ikalawang termino.

Sinabi pa ni Lacuna na maging ang probisyon sa trabaho para sa lahat, kabilang na ang senior citizens at persons with disability (PWDs) na nagsimula noong 2022 ay ipagpapatuloy din ng kanyang administrasyon.

Napuputol ang pagsasalita ng alkalde dahil sa paulit-ulit na sigaw ng mga mga tao ng ‘walang babalik!’ lalo na nang hilingin niya sa mga tao na tulungan siyang pigilan ang pagbabalik ng mga katiwalian sa Maynila.

“Tuldukan na natin ang pagbabalik ng mga korap, taksil, walang isang salita, sinungaling at kotongero!” pahayag ng lady Mayor habang sumusuporta sa kanyang tiket sa pangunguna nina Congressman Joel Chua, Vice Mayor Yul Servo, reelectionist Councilors Fa Fugoso, Atty. Jong Isip at Maile Atienza at mga candidates for Councilor na Chairman Jeff Lau at Karen Alibarbar.

“Karangalan kong makasama kayong lahat. Hinding-hindi ko kayo pababayaan Lalong-lalo na, ni sa panaginip, hinding-hindi ko kayo iiwan dahil kayo ang pamilya ko. Mahal na mahal ko po kayong lahat mananatili kayong laging una kay Honey Lacuna Ang pagmamahal ninyo ay susuklian ko ng dobleng pagmamahal dahil kayo ang pamilya ko,” pahayag ni Lacuna sa mga tao na walang tigil sa pagsigaw ng ‘Mayora!’ at ‘Walang iwanan!’.



Sa katapusan ng kanyang talumpati, nagpahayag si Lacuna ng pagtitiwala na siya ang tatanghaling nagwagi at mananatili bilang Mayor ng Maynila matapos ang halalan sa May 12, 2025.

“Mananalo tayo! Mananatili ang kalinga ng isang doktora at pagmamahal ng isang ina dahil ako ang mananatiling Mayor ng Maynila!” deklara ng alkalde.

Samantala ay pinasalamatan ni Lacuna si Presidente Ferdinand Marcos, Jr. sa pagdedeklara ng May 12 bilang special, non-working holiday.

Ang Proclamation No. 878 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nagsasaad na mahalaga ang fiesta opisyal “to enable people to exercise their right to vote.” (ANDI GARCIA)