Advertisers
Nagsanib-pwersa sina nominee Ninai Chavez, Melai Cantiveros-Francisco at Jason Francisco- o ang celebrity couple na Melason- para ikampanya ang TRABAHO Partylist (no. 106 sa balota) sa mga Bikolano kahapon, Mayo 9.
Sa gabi ng grand rally sa Labo Sports Complex, Camarines Norte, pinanindigan ng tubong-Bikol na nominee na si Chavez ang adbokasiya ng TRABAHO na dapat ang trabaho ay kayang matugunan hindi lamang ang kanilang pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilya, kundi pati na rin ang kanilang mga emergency.
“Mga ‘nay, ‘tay, ang kailangan natin ay trabaho na kayang pondohan ang kalidad at maayos na pamumuhay. Para in times of emergency- sa awa ng Diyos ay ‘wag sana mangyari- mayroon tayong ipon para makatulong pang-ospital ba o kung ano man,” sabi ni Chavez.
Dagdag pa niya, “Bilang part po ng Youth, naiintindihan ko po ang importansya ng WiFi para sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa eskwelahan ng bata, sa trabaho, at sa negosyo. Sa mga ate at kuya ko diyan na may trabaho sa umaga at sa gabi ay nagla-live selling pa.”
Maliban sa pagsuporta sa nationwide internet access, inisa-isa ni Chavez ang mga prayoridad ng TRABAHO para sa mga manggagawang Bikolano- sapat na kita at karagdagang benepisyo para sa kanilang mga medical, transportation, grocery at education.
Pagkatapos ay buong pagmamalaking itinaas ng mag-asawang Melason ang mga kamay ni Chavez bilang simbulo ng kanilang suporta sa plataporma ng TRABAHO Partylist pati na rin sa mga nominee na base sa kanilang pagkikilatis ay tunang na may kwalipikasyon, kredibilida, professional track record, at malinaw na commitment sa paglilingkod sa bayan.