Advertisers

Advertisers

Pag-endorso ni VP Sara kina Imee at Camille ‘wa epek!

0 4,027

Advertisers

ELEKSYON NA! Maghahalal uli tayo ng mga opisyal sa lokal para sa sunod na tatlong taon nilang pamumuno sa atin bayan/lungsod at lalawigan, at 12 senador para sa anim na taon na termino sa nasyunal.

Huwag natin sayangin ang eleksyon sa ito sa mga kandidatong wala naman talagang kakayahan para pamunuan ang ating bayan/lungsod o lalawigan. Maghalal tayo ng tama. Ibasura ang eleksyon na kuwarta-kuwarta.

Tandaan: Ang kandidato na gumastos ng milyones ay hindi magiging epektibong opisyal, ‘yan ay gagawa lamang ng kuwarta sa politika. Mismo!



Oo nga pala, walang katotohanan na malalaman ninuman ang inyong mga ibinoto. Kayo lamang ang nakakaalam n’yan maliban kung iyong ipagsabi. Okey?

Sa pagboto ngayong araw, magdala na ng listahan ng mga iboboto para maging madali ang pagboto. God bless sa ating lahat.

***

HINDI rin umepekto ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte kina Senator Imee Marcos at House Deputy Speaker Camille Villar dahil nasa ilalim parin ang dalawa sa lumabas na mga bagong pre-election survey wala nang isang linggo bago ang halalan ngayon (Lunes).

Nakakatawa lang na nagmistulang mga laos na rockstar sina Sara at Imee sa “Itim” TV ad nila pero wala ring nangyari sa kanilang tandem. Habang nagpa-rebond pa naman si Camille sa kanyang commercial pero wala talagang talab ang endorsement sa kanya ng Bise Presidente.



Sa Pulse Asia survey na ginawa April 20-24, si Imee ay nasa malayong Rank 14-18 at may voter preference lang na 24.7%, habang nasa Rank 9-14 si Camille at may mababang voter preference na 28.3%.

Kung si Imee ay dead on arrival na sa May 12 elections, si Camille naman ay pwedeng matadyakan palabas ng winning circle. Nakabuntot kasi sa kanya ang parehong malakas na mga dating senador na sina Manny Pacquiao at Bam Aquino. Nagbabanta ring manalo si dating Interior Secretary Benhur Abalos dahil pataas ang ratsada nito sa mga natitirang linggo ng kampanya.

Talo rin naman pala sina Imee at Camille pero napakasaklap na itinaya nila ang kanilang loyalty at paninindigan para isang endorser na wala naman palang asim at may bahid ang pagkatao ng mga anomalya.

Kaya tama si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na isang “kiss of death” ang paghingi ni Imee ng endorsement kay Sara. Nagkatotoo na nga.

Noon pa sinasabi ni Gadon na wala namang tao at makinarya ang mga Duterte kung kaya malabong makapagpanalo ang mga ito ng mga kandidato ngayong halalan.

Bigay-diin pa ng kalihim, kaya nag-VP na lang si Sara noong 2022 presidential elections dahil alam nito na hindi siya mananalo kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sising-sisi siguro ngayon sina Imee at Camille ngayon kung bakit pa nila tinalikuran ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na may sapat na pondo at malawak na marikinarya sa buong bansa, at higit sa lahat, may brand na “Bagong Pilipinas” kung saan nakaka-relate ang nakararaming botante.

Sa pagkatalo nina Imee at Camille, lalong nawalan ng numero si Sara sa pagharap sa Senado para sa kanyang impeachment case. Araguy!!!