Advertisers

Advertisers

Betong nagbabala sa mga kawatan

0 3

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAG-uusapan ang naging hanash ng komedyanteng si Betong Sumaya kaugnay ng traumatic experience niya nang ma-snatch ang kanyang cellphone sa Tomas Morato sa Quezon City kamakailan.

Nangyari raw ito nang kasalukuyang nagbo-book siya ng Grab kung saan may unidentified motorcycle driver ang dumaan at nang-snatch ng kanyang telepono.



Katunayan, nagpatulong daw siya sa pulis para ma-track ang kanyang cellphone gamit ang “Find the Device” at na-locate na nasa Sta. Mesa ang kawatan bagamat hindi pa ito tuluyang nare-recover.

Sey ni Betong sa kanyang FB: “Guys naSNATCH ang cellphone ko sa Tomas Morato QC kaninang mga 1 am Habang nagbobook ako ng Grab biglang may motor na dumaan sa harap ko at ang bilis ng pangyayari di ko na sya nahabol. Gamit ko ngayon ay ang Ipad ko, nagpatulong pa ko sa mga Pulis sa Kamuning para itrack ang cp ko hanggang kaninang 6am, ty po talaga sa inyo Gamit ang”Find the Device”. nalocate namin sya sa bandang Sta Mesa pero di pa namin nahanap Ingat tayo Guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob #GODwillMakeAWay”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang FB post.

May netizens na pinag-iingat ang “Bubble Gang” actor.

May humirit din na nagbabala na baka ipakalat ng snatcher ang kanyang video o pics kung may kontrobersyal mang nilalaman ang kanyang cellphone.



Ito ang hirit ng netizens.

“Ingat next time, Betong.”

“Naku, Betong. Ingat-ingat next time. Baka ipakalat noon ang video at pics mo.”

“Oo nga, iba na ang mga kawatan ngayon.”

“Dapat, we must impose strict penalties sa mga magnanakaw ng cellphone.”

“Buti na lang kamo at safe ka.”

“Bilib din ako sa technology ngayon using Find my Iphone.

“Dapat pag lalabas, huwag idisplay ang gadget o magsuot ng mamahaling alahas kasi takaw-pansin iyan sa mga magnanakaw.”

“Sana putulan ng daliri ang mga ganitong criminal.”