Advertisers

Advertisers

Justin Bieber naka-follow sa IG ni Andrea

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BONGA si Andrea Brillantes, huh? Paano ba naman kasi, nag-follow sa Instagram page niya ang international singer na si Justin Bieber. O di ba, pati si Justin ay nabighani sa angkin niyang ganda at siguro aware rin ito na sikat sa Pinas ang dalaga kaya nga nagawa niya itong i-follow sa IG account nito.

Ang bilis nga ng mga mata ng netizens dahil agad nilang napansin ang ginawang pag-follow ni Justin kay Andrea.



Umani rin ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang pangyayari.

“Andrea, paawat ka. Awa na lang.”

“Blythe once said ‘Hindi to totoo, hindi to totoo.’”

“Si Andrea palihim rin ang atake. Sobra ñng latina!”

“kahit binabash siya, maganda parin siya, kahit ibash pa siya ng ibash, mas lalo siyang gumaganda.”



***

NAGKAROON ng thanksgiving dinner ang Star Cinema para sa pelikulang My Love Will Make You Disappear, na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Certified box office kasi ang naturang pelikula. 173 million pesos ang kinita nito worldwide.

Ang MLWKYD ang unang pelikulang Pilipino ngayong taon na lumampas ng 100 million pesos ang kinita.

Thankful naman si Kim sa tagumpay ng unang movie nila ni Paulo.

“We’re very thankful, very happy and parang nakakatuwa na maramdaman ‘yung suporta ng mga tao,” sey ni Kim sa interview ng ABS CBN News.