Advertisers

Advertisers

Sunod na misyon, UAAP grandslam… NEVER SAY DIE NU BULLDOGS WINALIS ANG DLSU GREEN BATTERS

0 4

Advertisers

NAGTALA ng kanilang kasaysayan ang never -say- die National University Bulldogs sa UAAP baseball matapos hatawin ang back-to-back title nitong weekend.

Ang Bulldogs ni team manager Wopsy Zamora ay kinumpleto ang sweep kontra karibal ng powerhouse ding De La Salle University Green Batters, sa pamamagitan ng ‘come-from-behind’ 9-6 victory sa Game 2 ng UAAP Season 87 Baseball Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Maynila.

Ang tagumpay ng NU ay ikalimang baseball crown at sixth overall championship sa kasalukuyang season.



Matapos tapyasin ang 3 run kalamangan ng La Salle ,nagpaula ng 5 five runs ang Bulldogs sa fifth upang saklitin ang kalamangan at di na lumingon pa tungo sa tagumpay.

Naging hudyat ng pananalasa nang nahatawan si Tuting Samuel ng magkasunod na batters —si Kenneth Maulit at Herald Tenorio — upang pumoste sa second at first, ayon sa pagkasunod. humataw si Maulit ng single .Si Samuel sa right field, naman ang nag-uwi kay Kenneth.

Sinundan ito ng sacrifice fly ni Gio Gorpido upang tawirin ni Tenorio ang homebase upang maging one- run na lamang ang gap sa 2 teams.

Si finals MVP at graduating senior Nigel Paule ng Bulldogs ay kortesiya ni Paule at pinch runner Lester Balon.

“We’re so relieved; we’re so happy. Hindi ko maipaliwanag ‘yung pakiramdam kasi nga history ‘to para sa NU,” ani NU head coach Romar Landicho, na ngayon ay two-time UAAP champion coach. “Yung puso at ‘yung mental toughness, pati ‘yung mentality na never give up — ‘yun talaga naging key in getting this win.”ani pa coach Romar na pinasalamatan ang todo-supporta ng management partikular kay manager Zamora at ng NU community. (Danny Simon)