Advertisers
MATAGUMPAY ang kampanya ng Pilipinas sa Asian Junior/Sub-Junior Powerlifting Championships, humakot ng 27 gold,32 silver at anim na bronze medals, sa Dehradun, India.
Sabina Mae Santos komulekta ng eight gold medals matapos walisin ang Classic and Equipped categories sa women’s 76kg. division.
Jessa Mae Vivero Tabuan nagbulsa ng anim na gold medals sa Junior women’s 52kg category —apat sa Classic at 2 sa Equipped division kung saan siya nagtala ng Asian record.
Rhadlee Marzan nagtala ng kahanga-hanga na performance sa Junior men’s 53kg category, nagwagi ng apat na ginto at nagtakda ng Asian rekord na 171.5kgs sa squat.
Sa Junior men’s 93kg category, Jason Galauran nagwagi ng dalawang gold medals at nagrehistro ng bagong Asian Junior rekords sa squat, pareho sa Classic at Equipped divisions.
Ashley Cruz nakamit ang Junior women’s 76kg category squat gold medal sa Classic division at may bagong Asian Junior rekord.
Ang iba pang medalist ay kabilang sina Alexei Agabon (Junior men’s 66kg), Angelo Galon (Junior men’s 74kg), Matthew Fischeder (Sub-Junior men’s 83kg) at Ross Teodosio (Junior men’s 120+kg) sa Classic division at Jian Carlos Medina (Sub-Junior men’s 83kg) sa Equipped division.
Sa Asian Classic University Cup, Vince Gutierrez nakakuha ng three golds at one silver sa men’s 83kg category habang si Ken Austria nakamit ang bench press gold medal na may bagong Asian University rekord at nagbulsa ng 3 silvers sa men’s 105kg category. Ang dalawa ay parehong istudyante mula sa Tarlac State University.