Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG NATALO ARYA PA RIN SERBISYO PUBLIKO!

0 509

Advertisers

Isang araw lang ang halalan na ang mga POLITICIAN nanalo o hindi man pinalad ay dapat makita pa rin ang sinseridad sa kanilang mga ipinangampanya na sila’y laan sa pagseserbisyo sa mamamayan.

Sa mga hindi pinalad ay huwag magbago sa kanilang pakikisalamuha at kailangang mipakita nila ang pagrespeto sa naging pagpapasiya ng mayorya sa kanilang mga constituent.., na huwag pag-isipan ng masama ang nakakompitensiyang POLITICIAN at sa halip ay magpatuloy para sa pag-asiste sa kanilang komunidad dahil ang pagseserbisyo publiko ay magagawa ninuman kahit hindi ka opisyal ng gobyerno.

Mga ka-ARYA.., ang pagiging ELECTED OFFICIALS ay hindi habampanahon kundi may nakalaang taon na hanggang 3-taon lamang ang termino at muli ay dadaan na naman sa eleksiyon.., sa SENATORS naman ay hanggang 6-taon din subalit kada ika-3 taon ang 12 sa 24-SENATORS ay dadaan sa panibagong eleksiyon kaya may matitirang incumbent na ang 12 incumbent ay sa susunod na ika,-3 taon matatapos ang termino nila na dadaan uli sila sa eleksiyon.., at sa PRESIDENTIAL naman ay hanggang 6-taon ang termino.



Lahat ng KUMANDIDATO ay pawang nangako ng kanilang mga platapormang pawang pag-asiste sa ikauunlad ng bayan at sa pagtulong sa mga nangangilangang mamayan.., na ang mga NATALONG KANDIDATO ay ngayon makikita ang sinseridad ng kanilang naging mga pangangampanya.

Isang halimbawa nito ay si PASIG CITY MAYOR CANDIDATE ATE SARA DISCAYA na ang naganap na ELECTION ay si INCUMBENT PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO ang lumabas na pinaboran ng mayoryang PASIGUEÑOS base sa resulta ng boto.., na pasasalamat pa rin sa mga nagsipartisipa sa ELECTION ang naging MENSAHE ni ATE SARA at ang kanilang itinataguyod na community services ay magpapatuloy pa rin lalo na sa kanilang mga kalungsod.

“Kaya kahit tapos na ang halalan, hindi pa tapos ang laban.
Nandito pa rin kami.., patuloy na maglilingkod, patuloy na magbabahagi at patuloy na magiging boses ng kabutihan para sa bawat Pasigueño. Maraming salamat po sa inyong tiwala.
Darating ang tamang panahon.., at sa panahong iyon, sa perpektong oras ng Diyos ay gagamitin niya ang bawat karanasan, bawat pagkatalo, at bawat pagsubok, para sa isang tagumpay na mas malalim, mas makabuluhan, at mas pinagpala,” pahayag naman ni KUYA CURLEE DISCAYA na siyang PRESIDENT/CEO ng ST. GERRARD CONSTRUCTION GENERAL GENERAL CONTRACTOR AND DEVELOPMENT CORPORATION.

Ang ARYA po ay bumabati ng HAPPY BIRTHDAY ngayong May 15 kay KUYA CURLEE na naglahad sa kaniyang Facebook post ng mga katagang ”hindi man kami pinalad sa resulta ng halalan, alam naming hindi kami tunay na natalo. Panalo pa rin kami dahil sa gitna ng laban, mas marami kaming nakilalang tunay na kaibigan. Mas marami kaming natulungan. Mas malalim ang naging ugnayan namin sa bawat isa.”

Ang mag-asawang DISCAYA ay kahalintulad din ito ng POLICE FILES TONITE PUBLISHER JOEY VENANCIO na kumandidatong SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ng ROMBLON DISTRICT 2 na hindi rin pinalad ay lubos na nagpasalamat kasama ang kaniyang maybahay na si LENIE CUBACOB VENANCIO.., na patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay asiste sa mga nangangailangan sa kanilang mga ka-probinsiya.



Ika nga.., kahit hindi ELECTED OFFICIALS ay makapag-aambag ng tulong sa gobyerno at sa komunidad; na hindi man pinalad ngayon ang mga kumandidato ay hindi mangangahulugan na magtatampo na ang mga ito.., at kung magtampo ang mga ito ay pagpapatunay lamang na hindi nga sila karapatdapat mahalal dahil ang kanilang ipinangampanyang pagtulong sa mamamayan ay isa lamang “PAMBUBUDOL”.

NATALO man ngayon sa ELECTION ay dapat ARYA pa rin ang mga ito sa pagseserbisyo-publiko dahil ito ang pagpapatunay sa kanilang sinseridad sa kanilang mga pangangampanya.., na kung ang mga ito ay mahalal ay mas higit na kakikitaan ng kanilang pagseserbisyo bilang CLEAND AND HONEST PUBLIC OFFICIALS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.