Advertisers
Eh di wow!
Mabigat na isyu ito na kailangang mabatid at malaman sa apat na sulok ng probinsiya ng Cavite,
Mabigat tanggapin ito sa magkababayang Caviteno na sina re-electionist Senators Ramong Revilla Jr., at Francis Tolentino na kapwa nabibilang sa Team Bago(o) ng Alyansa ng administrasyong Marcos Jr.
Si Revilla at Tolentino as of this wring ay considered (Luz Valdez) na sa senatorial race so to speak.
Sa garapalang salita, olats na!
Perde sa wikang Bisaya!
Pero paanong nangyari ito sa dalawang taga-Cavite na isa sa may pinakamalaking bilang ng mga botante sa buong bansa?
Kapwa may resources,solid & loyal supporters, makinarya at matibay na partido sina Revilla at Tolentino pero bakit nalaglag?
At sino ang direktang nakinabang sa “Hudasang” nangyari sa bakuran ng Alyansa?
Puwede ba nating sabihing sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan ang nabiyayaan sa ginawang “pagsaksak sa likod” nina Revilla at Tolentino ng mismong mga tao sa kanilang inaakalang “comfort zone”?
Ano naman kaya ang masasabi sa isyung ito ng campaign manager ng Team Bago(o)ng Alyansa na si Toby Tiangco?
Tayo na po ang magsasabi na helpless si Boss Toby sa nangyaring maniobra at hudasan!
Mga taong wala sa loob o inner circle ng alyansa ang kumumpas sa grand conspiracy na nangyari at nagplano nang ginawang Oplan Palit-ulo
Gaya nang nabulgar na Oplan na ginawa sa dating Pangulong Rodrigo Duterte nang mistulang kidnapin ito ng pamahalaan at dalhin patungong The Hague, masinop na ginapang ito ng mga demonyo sa dikta ng isang makamandag na ale.
Ofcourse hindi puwedeng di kasali dito ang Comelec at mga batikang operators ng Marcos Jr. administration.
Isa itong dagdag-bawas scheme na isinentro sa mga boto ni Revilla at Tolentino patungo sa intended parties,
Hindi natin puwede i-detalye kung paano hinokus-pocus ang mga numero but in due time ay sasabog ang buong katotohanan sa isyung ito.
For the meantime, layon ng kolum na ito na magkaroon ng inisyal na idea ang mga direktang personalidad na naging kaawa-awang biktima ng katraydurang ito sa kamay ng mga inaakala nilang kasangga at kaibigan.
Speaking of Cavite, dalawa sa mga pamosong miyembro ng gabinete ni Marcos Jr. ay mga mabunying anak ng lalawigang ito,
Sina DOJ Secretary Boying Remulla at nakababatang kapatid nito na si DILG Sec.Jonvic Remulla.
Bakit kaya hindi natimbrehan nina Boying at Jonvic sina Revilla at Tolentino sa Oplan Palit-ulo na ito?
Natunugan nga kaya ng magkapatid na Cabiteno ang sinister plan na ito laban sa dalawang reelectionist senators na kababayan?
Or wala silang kaalam-alam dito?
As in totally blinded ang Remulla brothers!
Bakit sina Revilla at Tolentino pa ang tinarget sa dinami-dami ng kandidato ng Alyansa?
Unang hula natin… para mapahinga ang dalawang dating senador at mawala o mabawasan ang political clout ng dalawang former senators sa lalawigan ng Cavite in preparation for 2028 presidential elections.
Pangalawa, may malaking kinalaman ito sa komposisyon ng bagong Senado sa paghawak sa impeachment case ni Vice President Inday Sara Duterte.
Maaalalang hindi pumirma sa impeachment case ni VP Sara ang asawa ni Revilla na si Lani at ang dalawa pa sa mga anak nito na isinulong ng 18th Congressman at ng mga Kongresistang loyal kay Speaker Romualdez.
Isang “red flag” itong tinitingnan ng Malacanang dirty operators.
Bakit si Tol Tolentino?
PDP-Laban si Francis Tolentino bagong tumakbo for his reelection sa Alyansa.
Kasapi sa binansaggang Solid-4 sa Senado si Tolentino na pro-Duterte bloc na kinabibilangan nina Senators Bong Go, Bato dela Rosa at Robin Padilla bago nanamlay at nagmalatuba.
Posibleng nag-over think at na-paranoid kat Tolentino ang mga “sulsoltants” ni Marcos Jr. at binansagang itong “TROJAN HORSE” ng kampo ng mga Duterte.
Isa pa, abogado itong si Tol Tolentino at alam ng nakakaraming non-lawyer na senators na always a threat ito sa liderato ng Senado.
At hindi madaling “bilugin ang ulo at pasunurin si Tol Tolentino ng sino mang Herodes na nagdudunung-dunungan at nagma-Malditang talipandas!
May Kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com