Advertisers

Advertisers

Liza at Nadine nangangamoy sanib-puwersa

0 5

Advertisers

Ni Archie Liao

SIGHTED sina Liza Soberano at Nadine Lustre na magkasama sa isang event.

Nag-throwback naman ang netizens sa good old days nang panahong nakatali pa sila noon sa kanilang love team partners.



Iba naman ang naisip ng mga katkatera at sawsawera.

Anila, nangangamoy collab daw ang dalawa.

Ito ang ilang sey ng kibitzers.

“Wow, nangangamoy collab.”.
“Liza at Nadine in a project. Why not, coconut.”..
“I love their friendship. Saya nila. ????”
#LizaSoberano #NadineLustre”
“In real life they both don’t like K.”
“Sana makatrabaho sila together”
“Liz Dine, bagong combination. Sounds exciting.”
“Pareho silang mental health advocate or something, nag podcast sila pareho
Maganda yan they have the same goal for something kaya they get along”
“pareho silang may paninindigan di yung puro sabaw lang ang topic”
“Love their low key friendship.”
“Na-miss ko ang food old days na may LizQuen pa at JaDine. So sila naman.”

***



MTRCB at NCCT nagpulong para mapaigting ang kampanya sa Responsableng Panonood ng Pamilya at Kabataang Pilipino

BILANG mandato ng Board na isulong ang responsableng panonood at tulungan ang mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa programa sa telebisyon, nagsagawa ng Responsableng Panonood (RP) Pulong ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) noong Miyerkules, Mayo 7 sa tanggapan ng MTRCB.

Dumalo sina MTRCB Board Members Maria Carmen Musngi at Jose Alberto V, Legal Affairs Division Chief Anna Farinah Mindalano, at ang Public Information Unit.

Ilan sa mga naging tanong ng NCCT sa pangunguna ni Executive Director III Daisy Atienza ay ang pangunahing programa ng MTRCB, partikular ang responsibilidad at mga inisyatibo ng Board sa pag-iinspeksyon.

Layunin nito na maibahagi ng MTRCB ang mga pinakamahusay na gawain at kasanayan ng Board pagdating sa content regulation, monitoring at edukasyon sa media.

Ang programang RP, pagsasanay at kolaborasyon ang ilan sa pangunahing tinalakay sa pulong.

Nagpahayag ng interes ang NCCT na tularan ang mga hakbang ng MTRCB para mapaigting ang kanilang mga inisyatibong may kinalaman sa mga pambatang palabas.

Patuloy namang tinitiyak ng Board ang dedikasyon nito na mapalago ang ugnayan at kolaborasyon sa iba’t ibang stakeholders tungo sa pagtataguyod ng ligtas, may alam, at angkop na programa para sa pamilya at kabataang Pilipino.