Advertisers

Advertisers

KUNG AYAW KAY KYLINE… CARMINA KASUNDO SI ASHLEY, ANG GF NG ANAK NA SI MAVY

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINIDA ni Carmina Villaroel, ang larawan ng kanyang pamilya kasama si Ashley Ortega.

Si Ashley ang girlfriend ngayon ni Mavy Legaspi, ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.



Shinare niya ang photo sa kanyang Instagram showcasing a happy moment with her loved ones.

Wala ang isa nilang anak na si Cassy na ayon kay Carmina ay first time nilang hindi nakasama sa Mother’s Day celebration.

Aniya sa caption, “About last night. First Mom’s day without my baby girl @cassy.”

Komento ng netizens, “4th pic for me! at lahat! happy mother’s day Ms. Carmina!”

“Love this family so much and Ashley.”



“Ashley seems to be a nice girl. Stay strong..”

“Oh parang same white shoes si dear @ashleyortega with mommy mina so cute so one of Maam Mina’s post.. Twinning.”

Hindi maitatangging kasundo ni Carmina ang girldriend ng anak na si Mavy.

***

MGA ARTISTANG NANALO SA HALALAN

MARAMING celebrities ang tumakbo ngayong 2025 eleksiyon.

Pero hindi lahat sila ay nanalo sa pwestong tinatakbo may mga hindi pinalad na manalo.

Napagtagumpayan ng ibang celebrities ang kanilang laban sa mundo ng politika.

Hindi pa tapos ang counting ng pagkasenador.

Pero sa partial counting o unofficial results na nilabas ng Comelec, pasok sina Tito Sotto, Erwin Tulfo at Lito Lapid.

Winner si Ate Vi (Vilma Santos-Recto) bilang gobernadora ng Batangas.

Dati ng gobernadora ang Star For All Seasons kung saan natapos naman niya ang kanyang termino.

At ngayong 2025 ay muling nagbalik ang aktres-politiko bilang Ina ng Batangas.

Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ay panalo rin bilang Congressman at Mayora ng Ormoc.

Sina Daniel Fernando at Alex Castro pa rin ang Governor at Vice Governor ng Bulacan.

Ikalawang round naman ni Congressman Arjo Atayde sa District One ng Quezon City.

Ang mga artistang nanalo naman bilang konsehal ng Quezon City ay sina Alfred Vargas at Aiko Melendes.

Nanalo ring konsehal si James Yap sa San Juan at Jhong Hilario sa Makati.

Ang anak ni Bong Revilla na si Ram ang Vice Givernor ng Cavite at Congressman naman si Jolo at maging si Lani Mercado bilang Congresswoman din.

Si Yorme Isko Moreno ay nakabalik din bilang alkalde ng Maynila.

Sigurado may iba pang celebrities na nanalo kaya hindi pa kumpleto ang aming nasulat,

***

JESSY NAKASUPORTA PA RIN KAY LUIS KAHIT HINDI PINALAD SA POLITIKA

HINDI pinalad na masungkit ni Luis Manzano ang pagka-Vice Governor ng Batangas.

Siya ang running mate ng inang si Ate VI na muling nakabalik bilang Gobernadora ng lalawigan.

Ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola ay patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang mister kahit na unsuccessful ang candidacy nito.

May heartwarming message ang aktres sa kanyang mister after failing to be elected as Batangas vice governor.

Ani Jessy, “God’s plan will always be more beautiful than your disappointments. Be patient and Thank God.”

Dinugtungan pa niya ito ng, “He is Bigger,” which talked about trusting what the Almighty can do.

“Still proud of you, @luckymanzano, I love you. [green heart emoji.”

Nirepost naman ni Luis sa kanyang Instagram Story ang mensahe ni Jessy at nilagyan din ng caption, “Love you [face blowing a kiss emojis].”

For awhile ay magpapahinga muna si Luis and after balik-hosting muli siya.