Advertisers

Advertisers

E-Bingo hinoldap ng kustomer: 2 sugatan

0 5

Advertisers

SUGATAN ang isang guwardiya at ang kahera ng isang E-Bingo nang holdapin ng kanilang regular na customer na suspek 7:00 ng umaga sa tapat ng Walter Mart, Brgy. Zone 4 ng Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang biktimang guwardiya na si John Raymund Marzan, 43-anyos; at Merriam Diarao, kahera nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.

Base sa report ng Dasmarinas Component City Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap galing sa UMC Hospital patungkol sa dalawang biktima ng panghoholdap na ginagamot sa kanilang pagamotan na agad nirespondehan ng pulisya at sa nakalap nilang imbestigasyon ayon narin sa mga nakasaksi sinaksak ng suspek ang biktimang guwardiya gamit ang isang kutsilyo at dahil sa komosyon nalaglag ang service firearms ng biktima na nakuha naman ng suspek na siyang ginamit sa pamamaril sa kahera na tinamaan sa kanyang katawan saka kinuha ng suspek ang perang kinita ng E-Bingo saka mabilis na tumakas ang suspek dala ang di pa batid na halaga ng pera at baril na ginamit sa krimen.



Subali’t mabilis naman na naaresto ang suspek sa ginawang hot pursuit and follow up operation ng mga otoridad at nabawi ang pera at baril na tinangamwm ng suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng Dasmarinas Holding and Detention Cell ang suspek at nahaharap sa kasong Robbery with Frustrated Homicide.(Koi Laura)