Advertisers
MARAMI ang namighati kabilang na ang korner na ito sa pagka-olat ng isang mas deserving na maglilingkod sana sa taumbayan kung sa kalayahan at track record ang pag-uusapan.
Ang naging Councilor at Congressman ng Makati City District 1 noon na si Monsour Del Rosario na may mas makinang na opisyal na resibo ng performance ay nabigong sipain ang katunggaliang itinuturing nyang balaKID sa progreso ng kanyang balwarte sa isang hindi patag na playing field via switik na teknik.
Of course ay mas heavy ang ramdam sa dibdib ang ating champion athlete, actor turned public servant na si Monsour dahil sa setback na alam nyang ‘in the bag’ nang tagumpay para mabalik political arena ang action man bilang Vice Mayor ng kaniyang mahal na lungsod Makati upang tuparin sana ang misyong i-angat ang estado ng pamumuhay ng Makateños na napagkait ng mga dating namumuno na paglingkuran ang sariling cuarta moneda at di ang konstituwente nila partikular ang mga kabataan, senior citizens, solo parents at PWDs.
Gayunpaman, It’s all water under the bridge na ,di napuruhan ng roundhouse kick ni taekwòdo champ ang budol kid.. move on na lang,tanging konsolasyon kay kampeon ay tagumpay ng kanyang kasanggang si Mayor NANCY BINAY kontra sa hubby ni ABBY na parehong walwal sa lokal at national .
Sapantaha ng inyong lingkod, olat man ang ating ka-UPPERCUT na si MDR ay may parating na mas malapad na papel na gagampanan niya sa hinahanap lokal man o national, iyon ay nakasulat at dapat na maganap.
Ganyan talaga ang haybu at sports,setbak ngayon pero bukas tagumpay na walang humpay di ba Ka Dennis Cerdeña ? PUGAY Kay Champ Monsour!!
LOWCUT: Dehins makapaniwala ang korner na ito kung paano manguna pa sa hanay ng Party Lists ang leftist na Akbayan.
Ang mga naturang radikal kuno na dati’y naglulupang street parlimentarians lamang ay biglang nagkaroon ng malaking papel sa gobyernong kanilang pinababagsak. Bagsak na sila dati sa panahon ni FPRRD pero biglang nakabangon sa basbas ng liderato sa Kongreso upang gawing pawn sa pagna NAKAWt sa kanilang tunay na kalabang si VP Sara.
Tampisaw sa salaping dekwat ang mga salot sa ayuda at akap ng kanilang ambisyosong espekir at ang pinaka bonus ay nagkaroon sila ng ads sa na napakamahal na tri-media na perstaym sa mga kaliwete mula nang akbayan sila ng kanilang bos enemy sa bahay-bayawak at nanalo pa.Ano ba yan Akbayan?
Susuweldo pa sila mula sa pamahalaang kanilang nilalabanan.Sa akbayan, tunay na may NGIPIN ang batas dahil may mga botante pang mga ungas, totoo ba to o joke -DIOK -oh NO !?