Advertisers

Advertisers

Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS

0 9

Advertisers

ISANG malutong na left hook ni Charly Suarez ng Pilipinas at hindi isang accidental headbutt ang nagpaputok sa kilay ni defending champion Emmanuel Navarette ng Mexico sa 6th round ng kanilang featherweight title bout nitong weekend sa Pechanga Arena San Diego, California sa Estados Unidos

Umagos ang dugo sa mukha ni Navarette mula sa kaliwa ni Suarez pero ang third man on the ring na si referee Edward Collantes ay idineklara na ang injury ay nakamit bunga ng untugan ng ulo ng dalawang protagonista.

Nagpatuloy ang laban sa 7th round kung saan ay walang tigil ang agos ng dugo lalo pa’t naging target ito ni Suarez na nakaamoy ng tagumpay anumang oras sa bakbakang iyon



Sa unang segundo ng 8th round ay itinigil ang laban sa utos ng boxing physician kung kaya naiwan sa scoreboards ang desisyon ng laban

Umiskor ang mga hurado ng 78-75, 77-76, at 77-76 pabor kay Navarette upang mapanatili ang technical decision na itinuring sa mundo nng boxing na isang ‘ highway robbery’ na bumiktima sa Pinoy pug na nagmantsa sa kanyang malinis na 18- 0 kartada.

“When a cut is produced by a legal punch and the fight is stopped because of that cut, the inured boxer shall lose by technical knockout and the commissioners shall inscribe in the records the letters TKO”, pahayag ng Association of Boxing Commissions (ABC) regulating guidelines. “Since the injury was ruled to be from an accidental headbutt, the outcome was determined by the scoreboard and that’s where the issue lies.”

Bunga nito ay ipagbabawal nang mag-referee si Collantes sa mga bigtime fights sa hinaharap at ang desisyong papabor kay Suarez o agarang rematch ay malalaman hanggang Hunyo 2 , 2025. (Danny Simon)