Advertisers
NAPAKALAKI na pala ng puhunan sa Cavite ng mga big-time drug pusher at illegal gambling operator, na sina Jun Moriones at alias John Yap, kung kayat parang pader na hindi matibag ang mga iligal na pinagkikitaan ng mga ito sa halos lahat ng siyudad at bayan sa naturang lalawigan.
Mukhang kapani-paniwala ang ipinagkakalat nina Yap at Moriones na milyones ang kanilang nawaldas na salipi bilang suporta sa kandidatura ni Cavite Governor Junvic Remulla noong nakaraang 2019 Mid-Term Election. Kaya’ naman tila putol ang dalawang kamay ng gobernador at di nito makaaksyunan ang mga iligal na gawain ng dalawang nabanggit na iligalista.
Pinalulutang pa ni Moriones na kumpare nito si Remulla kaya’t sila ni Yap ang nabigyan ng bendisyon ng isang alias Menong na nagpapakilala namang “bagman” ni Remulla para makapag-operate ng jueteng na front sa pagpapabenta ng shabu sa mga street drug pusher sa nasabing lalawigan.
Si Menong bilang “bagman” ay kalakarang siyang kumukubra ng suhol o intelhencia mula sa mga iligalista para sa ilang mga korap na police official o amo nitong pulitiko. Kaya hindi kataka-takang maging sunud-sunuran pala si Remulla sa kapritso nina Moriones at Yap kung totoong bagman nito si Menong?.
Talamak na sa Cavite City, Gen. Trias, Bacoor City, Trece Martirez City, mga munisipalidad ng Tanza, Ternate, Amadeo, Maragondon at iba pang parte ng nasabing lalawigan ang pajueteng na binabangkaan ni Yap at pinamamahalaan naman ni Moriones bilang national manager.
Ang mga ilegalista namang sina alias Zalding Kombat at Caloy Kolanding na dati ay nagpapatakbo lamang ng saklaan kahit saan mang siyudad at bayan ng nasabing probinsya ay siyang ginagamit nina Moriones at Yap bilang local management.
Mahigpit ang direktibang “No take Policy” ni PNP Region 4-A director PBG Felipe “Pipoy” Natividad sa kanyang mga PNP Provincial director, ngunit mapaniniwala kaya ang ating mga KASIKRETA na hindi namamantikaan nina Moriones at Yap ang mga nguso nina General Pikoy at Cavite PNP Provincial director, P/Col. Marlon Santos?
Sayang ang mga natatanging accomplishment ni Col. Santos sa mahigit na isang taon nitong panunungkulan bilang Cavite PD kung madudungisan lamang ng mga ilegalistang tulad nina Yap, Moriones, Kombat at Kolanding.
Bilang top cop ng Cavite, malamang na masibak pa sa kanyang pwesto si Santos at posibleng madawit pa ang kanyang pangalan sa salot na drug trade at jueteng operation ng grupo nina Yap at Moriones kung magbubulag-bulagan si Col. Santos na isa ding magaling na inteliigence officer ng PNP.
May limitasyon ang suporta kay Col. Santos ng kanyang mga kapatid sa Iglesia ni Kristo kung di ito kikilos laban kina Yap, Moriones, Kombat at Kolanding.
Ayon sa ating police insider, unang binuksan at nagsilbing testing ground nina Moriones at Yap ang kalakalan ng shabu at pajueteng sa Cavite City at Gen. Trias City may dalawang buwan na ang nakararaan hanggang sa maging full-blast na nga ang operasyon ng mga ito sa lahat na lugar ng naturang lalawigan.
Sinalakay at naaresto ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang jueteng den nina Moriones at Yap nito lamang Disyembre 2020, kung saan ay may 23 kabo at kubrador ang nadakip habang nagrerebisa ng taya sa jueteng sa isang apartment sa Brgy. Santa Clara, Gen. Trias City.
Ipinagharap ng kaukulang kaso ang mga suspek ngunit hindi pa man nakapaglalagak ng piyensa ang mga ito ay ipinagtuloy na muli nina Yap at Moriones ang kanilang pajueteng.
Hindi naman malinaw kung nasaan ang mga nakumpiskang shabu sa mga kabo at kubrador nina Yap at Moriones?
Wala palang binatbat sina Gen. Pipoy, Gov. Remulla at Col. Santos kina Yap, Moriones, Kombat at Kolanding, tila sini-sisiw lamang ang mga ito ng mga naturang drug/gambling operator sa kanila pa namang naturingang bakuran…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.