Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAGANDA ang takbo ng showbiz career ng tinaguriang Cool Boss ng It’s Showtime na si Dante Salamat.
Kahit kasi may pandemic last year ay naging abala siya sa iba’t ibang showbiz projects.
Si Dante ang President at CEO ng sariling kompanya, ang PR-Diamond Realty Group of Companies.
Ngayon ay may online show si Mr. Dante titled The Home Buyer na napapanood tuwing Monday and Thursday. Bukod dito ay mayroon din siyang vlog.
Kamakailan ay lumabas siya sa patok na BL series na My Day na pinagbidahan nina Miko Gallardo at Inaki Torres. Aminado si Dante na nag-enjoy siya sa paggawa nito.
Pahayag niya, “Trending iyang serye namin, ang role ko riyan is si Chef Ben.
“Marami rin nag-chat sa akin at nagtatanong kung ako raw ba iyong nasa My Day, The Series, kaya nakakatuwa talaga.”
Dagdag pa ni Dante, “Nasa movie rin sina Yul Servo, Lara Morena, at iba pa.”
Ang isa pa sa dapat abangang pelikula ni Dante ay ang Pamilya Puti. Isa itong horror-thriller at mula ito sa pamamahala ni Direk Chocoy Torres. Kasama rin dito sina Jao Mapa, Lou Veloso, at iba pa.
Esplika pa niya, “Ang role ko naman sa movie’ng ito ay si Emil, nasa Youtube na po ang teaser nito kung gusto ninyong makita.
“Dapat po isasali ko ang movie sa MMFF, ako producer nito pero hindi po ako punayag… kasi virtual lang ipapalabas, hehehe.”
Ang isa pang proyektong natapos na niya ay ang indie film na Padadtay ni Direk Romm Burlat.
Kasama sa pelikulang ito sina Soki Lana, Mer Penalosa, Ian Garcia, Direk Romm, Jimmy Belleza, Sam Tolentino, at iba pa.
Kaya inspirado at happy talaga ngayon si Dante na napagsasabay ang kanyang realty business at ang passion niya sa pagharap sa camera.