Advertisers

Advertisers

Jeanette Panaga lumagda sa Creamlin

0 237

Advertisers

ANG Second Best Middle Blocker ng 2019 PVL Open Conference ay sumang-ayon at lumagda sa reigning champion Creamline.
“This year, I will be joining Creamline,” wika ni Panaga, na ang dating team Petro Gazz ay winalis ng Creamline sa Finals.
Si Panaga ay four-time Best Middle Blocker sa PVL, nanalo ng dalawang beses sa Pocari Sweet mula 2017-18.
Ang native ng Limay, Bataan ay naging bahagi ng Saint Benilde team na nagwagi ng gold sa NCAA Season 91 tournament.
Makakasama nya sina Risa Sato,Pau Soriano, at Celine Domingo sa frontline ng Cool Smashers.
At maging pro na si Panaga kapag nagbukas ang PVL ng first season sa April 10.
“Super inspired ako lalo na mas nadagdagan yung motivation ko for this year. Kaya sana this year, makabalik na ang volleyball. This 2021, pag-resume ng volleyball, sigurado ako maraming changes pero I’m excited to work with my new team in overcoming the challenges sa sports under the new normal.”