Advertisers

Advertisers

Kahit mas bagets pa sa kanya… Alice ‘di pakakabog kina Andrea at Bianca sa bagong serye

0 240

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA kasalukuyan ay nasa hometown ng Irish boypren niya si Glaiza de Castro sa  Ireland at tsikang sa January 19 pa nakatakdang bumalik ng bansa.

Doon na rin siya nagselebreyt ng Pasko at Bagong Taon at doon na rin nag-propose ang kanyang boypren na si David Rainey. At dahil hiningi ni David at sumang-ayon naman ang mga magulang ni Glaiza ay napa-oo siya sa fiancée kahit ‘di pa niya feel umano na patali.



Pero madiin naman itong itinanggi ni Glaiza, na para sa kanya ay natagpuan na niya ang lalaking nais niyang makasama sa habang buhay.

At dahil engaged na nga si Glaiza ay natanong ang dalaga kung kailan nila binabalak ng boypren na pakasal?

Ayon sa Kapuso actress, hindi raw ito mangyayari sa taon 2021. Wala pa raw siyang exact date o plans hinggil sa kasalan nila ng fiancée, as in say ni Glaiza hindi naman daw sila nagmamadali and their taking it one at a time.

Nang matanong naman si Glaiza kung ano ang dream wedding niya, na kahit ordinary man na babae ay may pangarap ng magandang kasal?

“It’s definitely not gonna be a grand wedding. Basta nandun lahat ng mga importanteng tao, friends and family, ‘yun na ‘yun,” dagdag na say ni Glaiza.



***

KUNG ganda lang ang pag-uusapan tila hindi pakakabog si Alice Dixson sa mga kapwa niya ‘Legal Wives’ ng isang Royalty Muslim na si Dennis Trillo.

Legal sa kultura ng mga Muslim na ang mga kalalakihan ay makapag-aasawa ng higit sa isang babae. And to think na ang iba pang kapwa asawa niya ay pawang mas bata at sariwa kaysa kay Alice, sina Andrea Torres at Bianca Umali.

“First time ko to work with Dennis, and also Andrea Torres and Bianca Umali, and I really welcome the idea of working with younger actors in the industry. Feeling ko, bagets din ako,” say ni Alice.

Paano naman kaya isasabuhay ni Alice ang kanyang karakter sa bagong serye ng Siyete na Legal Wives’, na si Bianca ay may advantage na sa kanilang dalawa?

Huling teleseryeng ginawa ni Bianca ay may kaugnayan sa mga Muslim, na “Sahaya.”

“I’ve lived for a while in Dubai and Qatar so, more or less, may alam na ako about Muslim lifestyle. But for ‘Legal Wives,’ we really had to learn more about their culture, so we can play our characters more convincingly.

“I welcome it and I find Muslim culture really quite fascinating. And the script of ‘Legal Wives’ is very good. Maganda ang pagkakasulat kasi, after all the conflicts among the three wives of Dennis, it reveals that no matter what your religion is, it still all boils down to your family and the values that you have,” dagdag pa ng magandang aktres.