Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
‘WAGI ang ilang Kapuso stars sa katatapos lang na 7th Urduja Heritage Film Awards.
Hinirang na Best Actor si Asia’s Multimedia Star Alden Richards para sa kanyang pagganap sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.
Ang Global Endorser naman na si Gabbi Garcia ay nagwagi bilang Best Actress in a Comedy or Musical para sa pelikulang Last Song Syndrome (LSS).
Ang multi-awarded actress na si Therese Malvar ang nanalong Best Young Actress para sa drama film na Distance.
Samantala, pinarangalang Best Young Actor para sa kauna-unahang Netflix original feature mula sa Pilipinas at thriller film na Dead Kids ang The Lost Recipe Star na si Kelvin Miranda.
Best New Lead Actor naman ang bagong pirmang Kapuso na si Royce Cabrera para sa pagganap niya sa Fuccbois.
Ginaganap ang Urduja Film Festival bawat taon para i-promote ang independent films sa bansa. Pasok din dito ang commercial films na naipalabas sa buong taon.
***
All-new episodes ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ simula na!
Mapapanood na ang kapana-panabik na pagpapatuloy ng kuwento ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa all-new episodes nito simula nitong Lunes (January 4) sa GMA Afternoon Prime.
Excited na ang viewers and netizens na mapanood ang paghihiganti ni Nolie Dela Cruz (Mylene Dizon) kina Anselmo (Zoren Legaspi) at Margaux Santos (Ina Feleo).
Sa inilabas din na trailer ng bagong line-up ng GMA Afternoon Prime ay kapansin-pansin ang mas intense na mga eksena lalo pa at tuluyan nang nalaman ni Maggie (Kyline Alcantara) ang tunay niyang pagkatao.
Tampok sa fresh episodes ang mga eksena mula sa nangyaring lock-in taping ng programa sa San Mateo, Rizal late last year.
Tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento nina Nolie, Maggie, at Cedes (Nora Aunor) sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ 4:15PM, pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA-7.
***
GMA Heart of Asia, may bagong handog ngayong 2021
Maraming K-Drama fans ang natutuwa dahil napapanood na tuwing umaga ang hit South Korean romance drama na Fates and Furies sa GMA Network.
Tampok sa istorya ang apat na taong pinagbuhul-buhol ng tadhana. Kokontratahin ni Theo (Lee Ki-woo) si Hera (Lee Min-Jung) na nakawin ang puso ni Gino (Joo Sang-Wook) mula kay Suzy (So E-Hyun).
Ano ang kahihinatnan ng apat na taong may kani-kanyang ambisyon at motibo ng paghihiganti?
Abangan ang nakakaintrigang na kuwento ng Fates and Furies mula Lunes hanggang Sabado bago ang Eat Bulaga sa GMA.