Advertisers

Advertisers

Alden Richards bet sumabak sa international roles ngayong 2021

0 434

Advertisers

Ni BKC

MARAMI pa ring gustong ma-achieve ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards lalo na sa kanyang career ngayong Bagong Taon at isa na rito ang pagsabak sa international acting roles.

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden na kabilang sa mga plano niya this year ang makakuha ng projects abroad.  “Isa ‘yon sa mga top priorities for this year. Para something new rin. Para level up din ‘yung trabaho natin.”



Magiging busy ang 2021 para kay Alden dahil may mga nakalinya na agad siyang series, pelikula, at TV show. Nang tanungin siya tungkol sa kanyang New Year’s resolution, simple lang at straightforward ang naging sagot ng Kapuso star.

“Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s resolution ko talaga is really not to make any para walang pressure. It’s just about self-recreation and being a better version of you than last year. Move forward lang and be better with your decisions.”

Nagdiwang si Alden ng ika-29 kaarawan noong January 2 at bagama’t intimate lang ang kanilang selebrasyon, puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

***

Tambalang Eugene Domingo at Richard Yap, unang episode ng ‘Dear Uge’ ngayong 2021



MARAMING excited sa nalalapit na paglabas ng bagong Kapuso star na si Richard Yap sa comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo (January 10).

Kahit na kapipirma pa lang ni Richard sa Kapuso Network noong December 16, sumabak na agad ang aktor sa taping para sa kanyang first ever Kapuso project. Makatatambal ni Richard ang mahusay na aktres na si Eugene Domingo.

Sa Instagram ay pinasilip ni Eugene ang ilan sa kanilang kaabang-abang na eksena ni Richard, “Our very first fresh episode for 2021 with Richard Yap! Abangan this Sunday sa #DearUgePresents Jing, ang Bato!”

Bukod sa Dear Uge ay bibisitahin din ni Richard ang The Boobay and Tekla Show na bahagi ng kanyang plano na sumubok ng ibang genre bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.

Tutukan ang nakaaaliw na tambalan nina Richard at Eugene sa Dear Uge Presents: “Jing, ang Bato!” ngayong Linggo na, 2:45PM, sa GMA-7.

***

RUSSU PINATAWAD NI KUYA BAGO MA-EVICT SA “PBB CONNECT”

Sa kanyang pagbalik sa outside world matapos ma-evict nuong Enero 3, bitbit ng “PBB Connect” ex-housemate na si Russu Laurente ang pagpapatawad ni Big Brother sa kanyang naging pagsuporta noon sa ABS-CBN shutdown.

Nakakuha lamang si Russu ng 4.39% na pinagsamang Kumu at text votes kaya naman siya ang natanghal na pangalawang evictee ng programa.

Bago pa man magpaalam sa Bahay ni Kuya, inamin ni Russu sa kapwa housemates at kay Big Brother ang kanyang naging posisyon sa isyu ng network noon, na siya namang naging tampulan ng usapan ng netizens dahil sa mga naungkat niyang tweets.

Sa episode noong Sabado (Enero 2), kusang humingi ng tawad si Russu kay Kuya at ipinaliwanag kung bakit siya nagsisisi sa kanyang pagkakamali.

“Alam ko po Kuya na nasaktan po kayo na minsan po isa rin ako sa mga sumang-ayon sa pagpapasara ng iyong tahanan nong mga panahong hindi ko pa alam ‘yung mga nangyayari, ‘yung mga totoong nangyayari po sa mga nakikita ko po Kuya. I’m sorry po Kuya kung nasaktan ko po kayo at ‘yung pamilya po ng ABS-CBN,” paliwanag ni Russu.

Agad namang pinatawad ni Kuya si Russu at pinuri dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Ani Kuya, “tulad nga ng sinabi ko Russu at palagi kong sinasabi, hindi dapat nagiging basehan ang ating nakaraan para manghusga ng pagkatao at sa pag-ako ng pagkakamali natin, iwan na natin ang mga pagkakamaling ito. Nawa’y lahat tayo may matingnan na bagong kinabukasan sa bagong taon na ito. At Russu sa pagbatikos mo, sa pagsuporta sa pag-shutdown ng tahanang ito, tinatanggap ko ang pagpapakumbaba mo. Kahit ganon ‘yung nangyari, naging bahagi ka na rin ng pamilyang ito.”

Samantala, pagkalabas ni Russu ng Bahay ni Kuya, sinalubong siya ng mahigpit na yakap mula sa “PBB Connect” hosts na sina Robi Domingo at Toni Gonzaga. Idiniin din ni Robi sa publiko na hindi dapat ituring na kalaban si Russu.

“Si Russu po para sa akin hindi kaaway, hindi siya villain. Isa siyang victim ng broken system. Ang maganda po rito, matuto tayo nang sabay-sabay. Let’s grow as Filipinos.”

Para naman kay Toni, hindi dapat agad husgahan ang isang tao dahil sa isang pagkakamali. “A person is not defined by a mistake. He is defined by how he rises up,” sambit ni Toni.

Tutukan ang iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).