Advertisers

Advertisers

TULOY ANG TRABAHO

0 11

Advertisers

MAHIRAP ang maitalaga bilang Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) at pamunuan ang lahat ng sangay ng komuniskasyon ng Palasyo ng Malacanang.

Marami na tayong nasaksihan at kakilalang mga kaibigan pa ang iba na naitalaga sa puwesto na iyan. Ang iba ay di nagtagal, ang iba, bumigay ang katawan dahil sa bigat ng trabaho.

Hindi biro ang pamunuan ang PCO, kailangan mong pakibagayan ang lahat, magmula sa gabinete hanggang sa mga opisyal ng kani-kanilang mga opisina. At ang pinaka-mabigat ay pakibagayan ang media.

Siyempre, komunikasyon ang pangunahin mong tungkulin, kaya media ang unang-una mong kailangan pakitunguhan. Maipaabot agad sa kanila ang tamang laman ng kanilang ibabalita.

Sa katayuan ng kasalukuyang PCO Secretary Jay Ruiz, na isa rin nating kaibigan, makikita ang tunay na bigat ng tungkulin. Marami agad ang bumato, marami ang nagtangkang gibain ang mamang ito, marahil ay sa inggit o’ kaya naman ang tingin sa kanilang mga sarili ay mas magaling sila kay Secretary Jay.

Alam naman natin, na si Jay Ruiz ay dati ring broadcast reporter sa isang sikat na TV Station. Nangangahulugan na alam nito ang pasikut-sikot sa larangan ng pagbabalita. Sa puntong iyan, di na natin matatawaran ang kanyang husay.

Eh bakit dinedma ng Commission on Appointment (CA)? Maaring tanong ng karamihan. Isa lang ang nakikita ko na dahilan. Mayroong trumatrabaho sa pwesto ni Ruiz. At ayaw na ayaw ng mga ito, na ma-confirmed ng CA ang kalihim, dahil gusto nga nilang maipalit ang bata o’ pamato nila kay Secretary Jay.

Kung sino man ang mga iyan, ay saka ko na sa inyo ihahayag. Ang mahalaga kong ipupunto, ay ang ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sitwasyon ni Sec. Ruiz.

“Tuloy ang trabaho.”

Ang nasabi lang ni PBBM. Kahit di nakumpirma ng CA, nsngsngshulugan ito, na nananalig pa rin ang Pangulo kay Ruiz na kaya nitong patakbuhin ang PCO. Walang duda ika nga. Wala ring ‘bearing’ para sa Pangulo ang pagkaantala ng kumpirmasyon ng CA kay Ruiz.

Marahil, alam ng Pangulo at nakita na niy, kung paano magtrabaho si Ruiz. Kung paano nito napapatakbo ang PCO at paano ito makitungo sa lahat ng sangay ng media.

Kaya sa mga nagdududa pa kay Ruiz, at nagtatangkang palitan ito ng kanilang bata o’ pamato, mag-intay na din muna kayo. Dahil ang pagka-antalang ito ng kumpirmasyon ng CA kay Secretary Ruiz, ay pagka-antala rin na mai-upo niyo ang gusto niyong ipalit sa kanya.

Keep up the good work, Sec. Ruiz!