Advertisers

Advertisers

Libo-libong jobless Manileño nagkaron ng trabaho

0 51

Advertisers

LIBO-LIBONG jobless na residente ng Maynila ang nagkaron ng trabaho.

Ito ay matapos silang tanggapin sa inaplayan nilang trabaho sa katatapos na ‘Mega Job Fair’ na isinagawa ng Public Employment Service Office – City of Manila sa Robinson’s Mall ,Ermita.

Binati ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga matagumpay na natanggap na panibagong karagdagan sa di ba mabilang na Manila residents na naging HOTS (Hired-On-The-Spot) sa lahat ng mga isinagawang job fairs na inilunsad ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Lacuna na ang Mega Job Fair na nag-alok ng 4,000 job vacancies ay ginawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng lungsod sa 454th Founding Anniversary nito noong June 24, na tinawag na ‘Araw ng Maynila’.

Nabatid pa sa alkalde na ang PESO sa ilalim ni Fernan Bermejo ay regular na nagsasagawa ng job fairs kahit weekends, ito ay upang pagkalooban ng employment ang mga jobless Manilans, at ito ay kabilang ang mga senior citizens at persons with disablity.

“Lubos ang aming pasasalamat sa Department of Labor and Employment -National Capital Region, DOLE-NCR Manila Field Office, Robinsons Mall, partner-employers at sa lahat ng tanggapang national at local na katuwang ng PESO-Manila sa programang ito,” Sabi ni Lacuna.

Napag-alaman na ang job fair ay nilahukan ng 30 local employers at nagkaroon din ng one-stop-shop para sa mga may tanong tungkol sa kanilang SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, BIR, MPD, OWWA at TESDA. (ANDI GARCIA)