Advertisers

Advertisers

Sa rami ng magagandang projects… Sanya kinaiinggitan na ng ibang female stars; Heart may kondisyon bago ginawa ang serye ng Siyete

0 838

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL nabitin sa re-run ng “My Korean Jagiya” followers ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista, masayang ipinost ng aktres ang bago niyang handog na serye, ang “I Left My Heart in Sorsogon.”

Hindi lang ang supporters niya ang nasasabik na magkaroon ng bagong project, maging si Heart man ay excited nang simulan ito lalo pa nga’t karamihan sa mga eksena ay kukunan sa bayan nilang mag-asawa sa Sorsogon.



At may bonus pa, ipakikita rin daw sa seryeng ito ang mga latest niyang collection ng Chanel bags, isang mamahaling brand name ng bag.

Kung matatandaan ay hiniling ni Heart na pahinga muna siya sa paggawa ng serye pagkatapos ng “My Korean Jagiya” nila ni Alexander Lee, at ang binigay niyang dahilan ay gusto na nilang magkaroon ng  anak ng husband na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Ilang taon na rin ang nakalilipas at inalok muli ng Kapuso Network ng isang project. By this time ay hindi na tumanggi si Heart sa alok pero may hiniling lang siyang kondisyon kung gagawa muli ng serye.

Dapat daw sana ay mapi-feature ang bayan nilang mag-asawa, ang Sorsogon, which in return ay wish granted naman. Hindi lang doon magte-taping ng karamihang eksena kundi pati sa title ay sinama na rin ng management. O di ba, love na love ng GMA-7 si Heart.

***



SUPER duper level-up si Sanya Lopez, pagdating sa kanyang mga kasama sa project at serye. Kaya ang ilang Kapuso female stars ay inggit sa byuti ni Sanya.

Eh paano nga naman mula nang mapabilang sa cast ng movie na “Isa Pang Bahaghari” at may mabibigat siyang eksena kasama si Nora Aunor bilang nanay niya, si Michael de Mesa bilang close friend ng kanilang pamilya at matinding eksena kay Philip Salvador.

“Noong una, I was really so nervous kasi nga alam ko ang kalibre ng senior co-stars na makakatrabaho ko. Ginawa ko na lang na challenge for me ang makaeksena ang mga batikang artistang gaya nila. It’s so inspiring to work with them and it’s really an experience of a lifetime,” ani Sanya.

But wait, after Ate Guy, Kuya Ipe at Michael ay isa pa ring bigating aktor na kasama si Sanya sa TV show, ang weekly TV series nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Kapuso Network, ang “Agimat ng Agila” plus ang kaabang-abang na “First Yaya” nila ni Gabby Concepcion.

“And it’s really a great blessing to be given the chance to work with our respected stars like Ate Guy, Kuya Ipe, Kuya Michael de Mesa, and now, Kuya Bong and Kuya Gabby. At lahat sila, ang babait kasama. Blessing talaga,” saad pa ni Sanya.