Advertisers
SASABAK sa boxing si Alphoe Dagaylon ng Quibros Boxing at Ben Ligas ng Elorde Promotions para sa bakanting Philippine Championship flyweight belt sa Enero 30.
Sinabi ni Quibros boxing manager at promoter Gerry Balmes kahapon na excited na sila sa paparating na event, unang-una sa taon para sa tatlong local promoters- kabilang si Quibros -na nagsagawa ng tournaments noong October hanggang November sa ilalim ng mahigpit na hakbang dahil sa COVID-19 pandemic.
“Bali yung promotion nila – Elorde – hinamon kami kasi boxer namin ang mandatory challenger,” Wika ni Balmes. “After this magpe-prepare na ulit kami for another promotion namin maybe March.”
Ang 29-anyos Dagaylon, mula Bacoor Cavite, ay may rekord na 14 wins,3 draws at six losses at five knockouts. Ang kanyang huling laban ay draw kontra Carlo Caesar Penalosa noong Pebrero 1 nakaraang taon.
Samantala, ang 22-anyos Ligas mula Caloocan City ay may rekord na 12 wins, 1 draw at 1 talo noong June 2018, Buhat noon ay nanalo ng anim na sunod-sunod- ang pinakahuli ay noong Pebrero nakaraang taon laban kay Joan Imperial.