Advertisers

Advertisers

PSC CHAIRMAN RAMIREZ’ WINNING TRADITION HANGGANG OLIMPIYADA

0 301

Advertisers

MIRACLE of 2005 at well deserved overall championship ng 2019.
Noong 23rd Southeast Asian Games Philippines 2005 kung saan ay ang may timon ng Philippine Sports Commission noon ay si Chairman William ‘Butch’ Ramirez, naulit ang ‘milagro’ sa pagkopo ng Pilipinas ng overall championship sa naturang biennial sports spectacular event sa rehiyon ng Timog Silangang Asia.
Sa kapit- bisig nina PSC Chair Butch , POC at Philsoc ay tagumpay ang Pilipinas at naduplika ang naunang Miracle of ’91 hosting din ng bansa sa SEAGames na nilalahukan ng mga nasyong Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam,Singapore, Myanmar, Laos, Cambodia, Brunei at Timor Leste at Pilipinas.
Matapos ang tagumpay na ring kampanya sa Doha Asian Games Qatar 2006 ay bumalik si Ramirez sa Davao City upang tumulong sa sports program nang noo’y alcalde ng lungsod na si Mayor Rodrigo Duterte hanggang sa nanguna rin siya sa kampanya sa presidential election ni Mayor at tuloy ang dalang suwerte ni Butch dahil sa panalo ni Presidente Digong noong 2016.
Dahil dito ay hinirang siyang muling pamunuan ang Philippine Sports Commission kung kaya lalong sumigla ang mga kinakalinga niyang pambansang atleta na tumaas pa ang determinasyong magbigay ng karangalan sa bansa.
Habang naghahanda ang Pilipinas sa arating na SEAG ay nag-alay ng world championship ang batang gymnast na si Carlos Yulo sa bansa upang mag-qualify sa Olympics kasunod ni pole vaulter EJ Obiena at sina boxers Eumir Marcial at Irish Magno.
Sa temang ‘Win As One’ ng PSC, POC, Phisgoc, atleta, sambayanan ay inspirasyon mula kay PDigong ay naging very convincing ang Team Philippines na nahablot muli ang overall championship ng 30th SEAGames Philippines 2019.
Bagama’t ang taong 2020 ay naging panahon ng di birong hamon sa sangkatauhan dahil sa pandemya ay naitaguyod ng liderato ni Ramirez ang kapakanan ng mga atleta ng bansa kalaunan ay nakapag- ensayo na rin ang ating Olympic- bound athletes at magku-qualify pa kasabay ng pag-apruba ng Kongreso ng malaking pondo para sa Ph Sports upang ituloy ang misyong makopo na ang unang Olympic gold o higit pa para sa Pilipinas.
Ayon sa mga nakakapanayam na sports enthusiasts at kibitzers, optimistiko silang ang winning tradition at suwerteng taglay ni PSC Chairman Ramirez ay magtutuloy ito hanggang Tokyo Olympics sa Hulyo 2021.
Ang ‘mission possible’ ng mga pambatong atletang Pinoy Olympians ay magreresulta nang tagumpay na matagal nang inassam na makamit ng Sambayanang Pilipino.
Ito ay magiging legasiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.(Danny Simon)