Advertisers
NAGPAPATULOY ang pagtugis sa iba pang pinuno at miyembro ng CPP-NPA-NDF nang ideklara sila bilang mga terorista ng gobyerno.
Naaresto nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang lider ng komunista na sangkot din sa kasong pagpatay sa Quezon City nitong Miyerkules.
Kinilala ni PNP Spokesperson, BGen. Ildebrandi Usana, ang NPA leader na si Allan Morales alyas “Budlat’, Joseph Erwin Rimando, Alvin Advincula at Dante Morales.
Nahuli ito ng mga tauhan ng PNP-CIDG, NCRPO at JTF-NCR sa tinutuluyan nito sa Saphire Street, Barangay Payatas B, Quezon City, 12:00 ng tanghali ng Miyerkules.
Nasamsam kay Morales ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas tulad ng 9mm submachine gun, kalibre .45 pistola, mga bala at isang granada.
Sa ulat, nagsilbi rin si Morales bilang Deputy Secretary ng Regional Committee ng Negros-Cebu-Bohol-Siquijor at dating Secretary ng Regional Peasant Sugar Workers Bureau ng Negros
Nagsilbi rin siyang kalihim ng Regional Committee for Central Visayas at dating secretary ng National Youth Student Bureau.(Mark Obleada)