Advertisers
NAGTALA ng makasaysayang triple-double si Luka Doncic upang buhatin ang Dallas Mavericks sa 114-110, overtime win laban sa makulit na Sacramento Kings kahapon sa Orlando, Florida.
Kumamada ang 21-anyos na si Doncic ng 34 points, career-high 20 rebounds at 12 assists, kaya itinanghal ito bilang pinakabatang player na nagtala ng 30 o mahigit pang puntos, 20 o mahigit pang rebounds, at 10 o mahigit pang assists sa pagtatapos ng isang laro.
Binasag ni Doncic ang naunang record ni Oscar Robertson na 23 taon at 12 araw.
“We needed that,” wika ni Doncic. “We played, I think, one of the worst games ever and we won. We didn’t play good. We still hang in there, help each other, never give up. I’m proud of the win.”
Kumubra rin ng 22 points at pitong rebounds si Kristaps Porzingis bago ma-foul out sa huling bahagi ng regulasyon.
Sa Dallas nanggaling ang huling anim na puntos ng regulation upang mapuwersa ang overtime, at iti-nablang muli ang iskor sa 102 nang ipasok ni Tim Hardaway Jr. ang tatlong free throws sa 3:10 nalalabi.
Binasag ni Doncic ang tabla tampok ang kanyang basket, at nagpasok ng limang sunod na puntos ang Mavs para hindi nang lumingon muli.
Sina De’Aaron Fox na may 28 points at Buddy Hield na may 21 points ang sinandalan ng Kings.
Puntirya ng Mavericks na putulin ang kanilang three-game losing streak sa Clippers series mamayang gabi, habang ang Kings ay pipilitin na ipantay ang season series kontra New Orleans.