Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PAGKATAPOS ng showing ng Anak Ng Macho Dancer ngayong Enero na pinagbibidahan ni Sean de Guzman ay may nakahanda na agad na kani-kanyang solo projects para sa iba pang male stars nito, ayon mismo sa producer ng Godfather Productions na si Joed Serrano.
“Gagawin ni Mhack Morales ang Artista Ako, E.
“Si Charles [Nathan], gagawin niya yung Kontrabida ni Ate Guy [Nora Aunor], pero yung solo ni Charles yung Matinee Idol.
“Si Ricky [Gumera] gagawin niya yung Ang Bagong Totoy Mola.
“Si Miko, yung Cybersex: The Miko Pasamonte Story.”
Bukod sa pag-aartista ay tuturuan ni Joed ang mga ito na mag-negosyo. Na ang kikitain ng mga ito sa Anak Ng Macho Dancer ay isososyo nila sa kani-kanilang solo movies.
“Kasi ako lang yung producer na, I think sana gayahin ako ‘no, na para yumaman din yung mga artista. Para mabilis yumaman.
“Ako hindi ako yumaman sa pag-aartista, to be very honest with you, hindi. Buti sina Alden [Richards], di ba? Ako hindi, e.
“Ewan ko si Romnick kung yumaman sa pag-aartista o negosyo.
“Ako hindi, yumaman ako sa pagnenegosyo,” say pa ni Joed.
***
HINDI pa man ipinalalabas ang upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na “The Lost Recipe” ay kilig na kilig na raw ang pamilya ni Mikee Quintos dito.
“I have really big hopes for this team-up. Even within my family actually. For them to say na kinikilig sila sa team-up na ‘to and they see potential in it, that’s a big validation na for me,” pagbabahagi ni Mikee.
Mukhang handang-handa na ngang magpakilig ang #TeamMiKel sa primetime ng GMA News TV. Si Mikee ay gaganap bilang Chef Apple Valencia at si Kelvin Miranda naman ay si Chef Harvey Napoleon. Marami na nga ang nagsasabing inaabangan na nila ang bagong series na ito na mala-K-drama ang feel sa teaser at may time travel element sa kuwento.
Dapat ding abangan sa serye sina Paul Salas, Thea Tolentino, Lucho Ayala, Phytos Ramirez, Prince Clemente, Anton Amoncio, Faye Lorenzo, Crystal Paras, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, Sue Prado, at Ariella Arida. Ngayong January 18 na mapapanuod ang The Lost Recipe sa GMA News TV.
***
ISANG madamdaming regalo ang handog ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden para sa kanyang fans sa pagpasok ng Bagong Taon – ang kanyang original composition under GMA Music na pinamagatang “Our Love.”
Pagbabahagi ng The Clash alumnus, espesyal ang awit na ito dahil naaalala niya rito ang yumaong ama, “As I was writing it, I felt the same feeling when I lost my father. I was really sad and longing and through the song, it felt as if I could turn back time, see him, and spend more time with him.”
Dagdag pa ni Garrett, may mensaheng hatid ang kanta para sa listeners na katulad niya ay may nami-miss sa kanilang buhay, “It’s a song that aids one’s longing for someone. It is from my heart and I dedicate it to everyone who is going through the same feeling of love.”
Available na for pre-order ang “Our Love” sa iTunes at opisyal na itong mapakikinggan sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula January 11.