Dahil tengga ang career… Nadine panay ang gala kasama si James; Regine, bagsak-presyo ang concert tiket
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TRADISYON na kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na kapag sasapit ang Araw ng mga Puso ay kumukonsiyerto pa rin ang peg nito.
Sa kabila ng pandemya ay ‘di naman nahadlangan ang Valentine concert ni Regine ngayong 2021 at tuloy nga raw ito.
Kung dati ay malalaking venue ang pinagdarausan ng mga concert ng esmi ni Ogie Alcasid,
dahil sa safety measure sa panahon ng Covid-19 ay digital na ang nakaabang na concert ni Regine.
At naiintindihan naman ni Regine na mahirap ang buhay ngayon kaya naman nagpasya ito na ibagsak presyo.
As in, ito na nga raw ang pinakamurang concert ticket na ginawa nito sa tanang buhay niya sa showbiz.
Abot kaya na nga raw ang presyo kaya inaasahan ng kampo ni Regine na sa kabila na iba ang pamumuhay ngayon ay sumabay ito na maabot ng masa ang presyo ng kanyang tiket sa gagawin nitong concert sa Pebrero.
***
DAHIL sa kinahaharap na breach of contract ni Nadine Lustre na isinampa ng kanyang home studio na Viva, frozen delight muna ang beauty ng dyowa ni James Reid at ‘di raw puwedeng tumanggap ng ibang offer.
Kaya tengga at nganga ang byuti ni Nadine at wala siyang work at natatakot naman kunin ang kanyang serbisyo dahil buweltahan ng kanyang home studio.
May kuda naman ang netizens na sana nga raw ay kung gusto rin lang maging malaya ni Nadine ay bilhin na lang niya ang kanyang kontrata para walang problema.
Nasa nature trip ngayon ang magdyowa na napabalitang year 2020 pa nagkabalikan.
Habang wala pang work si Nadine ay kasama nito si James sa pamamasyal.
Pero tila tuloy ang project na Soul Searching ni James kasama si Nancy ng Momoland.
Habang wala pang project ay gala o pasyal-pasyal muna ang JaDine.
Well, well, well…’Yun na!