Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MARAMING viewers ng “Amazing Earth” ng GMA 7 ang labis na natuwa sa episode nitong nakaraang linggo dahil napanood nila si KC Concepcion sa naturang programa ni Dingdong Dantes.
Marami tuloy ang nagtatanong kung hudyat na nga ba ito sa pagbabalik-telebisyon ni KC at magiging isa na siyang Kapuso?
Kitang-kita kasi sa aura ni KC ang kasiyahan habang iniinterbyu siya ni Dingdong at nagbanggit pa ang dalaga ng Megastar na masasabi niyang first time guesting niya ang pagpayag na lumabas sa programa ni Dingdong.
Dagdag pa rito ang pasasalamat ni KC kay Dingdong sa imbitasyon nitong maging parte ng programa ng aktor. At hindi nga raw niya ito matatanggihan dahil isa siya sa ninang ng mag-asawang Dingdong at Marian Rivera. Hindi kaya maging tulay si Dingdong para maging ganap nang Kapuso si KC lalo pa nga’t noong kasagsagan ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN 2, ang mother network ni KC, napapatsika ngang magiging Kapuso na si KC.
***
ISA sa mga beterenang aktres natin ngayon ang kumasa sa alok na audition ng Disney na naghahanap sila ng babaeng 50 hanggang 90 taong-gulang, Pilipino man o Filipino-American.
Hindi naman kinakailangan ng professional acting experience, at kailangan lamang na fluent sa Ingles at kumportableng bumiyahe papuntang Atlanta, Georgia.
Gagawin ang shooting sa kalagitnaan ng Pebrero 2021 sa Atlanta, Georgia.
Pasaring ngang nag-post ang award winning actress na si Gina Pareno sa sariling socmed account na papasa raw siya sakaling mag-apply sa karakter na hinahanap ng Disney para sa isang malaking project nito.
At nilagay din ni Gina ang naturang caption sa post ng Disney sa kanilang advertisement.
Marami namang tumugon sa tila survery ni Gina at sang-ayon sila na makukuha nito ang naturang role dahil hindi na masusukat o matatawaran ang kakayanan ng aktres sa larangan ng pag-arte lalo na sa lola roles na siyang kadalasan na roles na inaalok sa kanya.