Advertisers
Ni Edwin Moreno
Grabe! pergalan nina Chicka at Ricky Quiros legal na legal sa bayan ng Capaz Tarlac.
Ayon sa insider ng “Kalawit” direktang pinagyayabang ni Quiros at Chicka may basbas ni Capaz Tarlac Mayor Roseller Rodriguez at P/Maj. Jovy Arceo Chief of Police ng Capaz PNP ang kanilang salot na pergalan.
Para sa kaalaman nina mayor Rodriguez at Maj. Arceo, sangkatirba ang sugal na color game, pula puti, drop ball at baraha sa magkahiwalay na Carnaval na pergalan nina Chicka at Quiros.
Sa totoo lang, hindi naniniwala ang inyong lingkod na may.basbas sina hepe at mayor sa salot na pasugalan.
Ang nakakapagtaka lang po, bakit ayaw umaksyon sina hepe at mayor sa reklamo laban sa salot na pasugalan?
Ayon sa insider ng “Kalawit”, nasa tungkil na ng Capaz PNP ang salot na pasugalan at dame na din ng reklamo kay hepe pero tila wala lang.
Alam na…
Dahil dito, hiling ng mga apektadong Non-Government Organization (NGO’s) kay Tarlac PNP Provincial director P/Col. Franklin Estoro aksyonan ang salot na pergalan, sibakin kung kinakailangan si Maj. Arceo dahil sa kapabayaan.
ABANGAN : isisiwalat ng Kalawit sa susunod kung magkano ang lingguhang timbre…