Advertisers

Advertisers

1 sa 4 pumuga sa Galas Police Station balik-selda

0 280

Advertisers

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) director, BGen. Danilo Macerin, na balik-kulungan na ang isa sa apat na preso na tumakas sa piitan ng Galas Police Station.
Ayon kay Macerin, 4:45 ng hapon nitong Linggo naaresto ang pugante na si Ronald Buenafe alyas “Totie”, 34, may kasong pagtutulak ng iligal na droga, sa pinagtaguang bahay ng kaanak sa Purok 9, Area B, Brgy. Sta. Cruz, Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Pinaghahanap pa ang mga kasama niyang nakatakas na sina Glenn Louie Limin; Marvin Inciong,alyas Inok; at Joel Sanchez alyas Jovan Tokwa. Nakatakas ang mga ito nang lagariin nila ang rehas na bakal ng kanilang kulungan noong January 7, pasado 2:00 ng madaling araw.
Nakita sa CCTV na nakalusot ang mga preso nang maputol nila ang bakal ng kulungan at isa-isang lumusot saka tumakbo palabas ng presinto.(Boy Celario)

Ilang aktibidad sa pista ng Sto. Niño sa Tondo kinansela
MATAPOS ang paggunita sa kapistaha