Advertisers

Advertisers

3 Tsekwa ‘pinaminta’ ang kabaro at tinangay bitbit na P2m

0 252

Advertisers

ARESTADO ang tatlong Chinese nationals nang tangayin ang halagang P2 million mula sa isang babae na kanila rin kababayan Lunes ng umaga sa Parañaque City.
Kilala ang mga nahuli na sina Whang Chao, Tang Neng, at Qiu Long Qing, pawang nasa hustong gulang.
Kinilala naman ang biktima na si Zhang Huai Zhen, isa ring Chinese national at nasa hustong gulang.
Sa report, naganap ang insidente 4:20 ng umaga ng Lunes sa Santa Ana 1, Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Bigla nalang lumitaw ang mga suspek at kinonpronta nila ang biktima na natiktikan nila na may dala itong malaking halaga.
Habang nagtatalo ay biglang nag-spray ng paminta ang mga suspek sa mata ang biktima at nagdeklara ng holdap sa pamamagitan ng pagtutok ng kalibre .38 revolver sa babae. Tapos inagaw sa biktima ang dala nitong P2 million cash at mabilis na tumakas.
Kaagad nagsumbong sa barangay ang biktima at nasakote ang mga suspek na hindi pa nakakalayo sa lugar.
Dinala ng barangay sa mga pulis ang mga suspek na nahaharap sa kasong Robbery-Hold-Up. (Gaynor Bonilla)