Advertisers
PATAY ang dating pulis at isa pa nang pagbabarilin sa Barangay Maasin, Zamboanga City Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Wilfrido Montuno, 54-anyos; at kasama nito na si Jose Buhat.
Ayon sa ulat, pauwi na ang mga biktima na magka-angkas sa motorsiklo nang mangyari ang pamamaril.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namatay.
Agad ring nakatakas ang mga salarin.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.