Advertisers
KINANSELA ang 6th Asian Beach Games sa ikalawang pagkakataon dahil sa pandemic.
Sa nakaraang pahayag, nagpasya ang Olympic Council of Asia (OCA) na iurong ang okasyon dahil sa lumolobong coronavirus pandemic lalo na ang mapanganib na variant discovered sa United Kingdom.
Ang laro ay orihinal na naka-iskedyul sa Nov. 28 to December 6, sa Sanya, China bago muling inilipat sa April 2 to 10 ngayon taon.
Ang bagong petsa ay hindi pa inanunsyo.
“The OCA Executive Board decision was made after an in-depth discussion between the OCA, the Chinese Olympic Committee and the Sanya Asian Beach Games Organizing Committee,” sambit ng OCA.
Mahigit 2,000 atleta mula sa 40 bansa ang inaasahan na sasabak sa 19 sports sa Host Sanya, na matatagpuan sa south ng China’s Hainan Island.
Huling sumabak ang bansa noong 2016 edition na ginanap sa Danang, Vietnam kung saan ang Filipinos ay naguwi ng two golds courtesy of jiu jitsu fighters Meggie Ochoa at Anne Ramirez.
Nagbulsa rin ang PH team ng apat na silver at 15 bronze medals.
Ang Asian Beach Games ay isa sa major tournaments na tinutukan ng national athletes ngayon taon.