Advertisers

Advertisers

TATLONG OVERSTAYING CHINESE, ARESTADO SA BI

0 10

Advertisers

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang tatlong Chinese nationals dahil umano sila ay iligal na nananatili sa bansa.

Ayon kay BI-Intelligence division chief Fortunato ‘Jun’ Manahan, Jr. , arestado noong September 5 sa isang commercial building sa Bangony, Davao City ay sina Xu Yonglian, 38; Lin Jinxing, 42 at Cai Xiji, 44, sa operasyon na isinagawa ng BI intelligence division-Mindanao at BI regional intelligence operating unit 11 sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Army, Air Force of the Philippines, Philippine National Police (PNP) Sta. Ana Police Station, PNP Davao City Police Office at government intelligence forces.

Ani Manahan, nagpapakilala umano si Xu bilang Pinoy at gumagamit ng Filipino name sa kanyang business dealings bagamat pinetisyon lang ng isang kumpanya sa Binondo habang si Lin ay nagtatrabaho habang naka-tourist visa. Si Cai naman ay may working visa para sa isang kumpanya sa Binondo pero nagta-tranaho sa Davao.



Sila ay pawang inaresto sa paglabag sa Philippine immigration laws. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">