Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA pamamagitan ng kanyang Instagram story ay mariing itinanggi ni Cong. Arjo Atayde ang paratang ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, na isa siya sa mga kongresistang sangkot sa umano’y mga kickback mula sa flood control projects.
Post ni Cong. Arjo,”I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.
“I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,”
Samantala, hindi na napigilan ni Maine Mendoza na magsalita matapos idawit ng mag-asawang Discaya ang mister na si Cong. Arjo sa flood control anomaly.
Sa pahayag sa kanyang X account, tahasang ipinagtanggol ni Maine si Cong. Arjo at nanindigang walang ginagawang masama ang mambabatas.
“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” saad ni Maine.
Giit pa niya, mula’t simula ay tapat na naglilingkod si Arjo sa kanyang distrito sa Quezon City.
Kaya nananalangin siyang mapanagot ang totoong may sala sa isyu at hindi makaladkad ang mga inosente.
“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” aniya pa
In fairness, matinong congressman si Arjo, huh! Kaya hinid kami naniniwala na sangkot siya sa flood control anomaly.