Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGKOMENTO si John Lloyd Cruz sa Instagram ni Bea Alonzo hinggil sa travel post nito sa Bea Dubrovnik, Croatia.
Nagbahagi kasi si Bea ng mga travel photos mula Croatia na kilala bilang King’s Landing sa “Game of Thrones. ”
Aniya, “Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook sarap magluto yon.”
Ikinatuwa naman ng fans ng kanilang love team ang kanyang mensahe kung saan inimbitahan pa niya ang couple na magbonding sa bahay niya.
Patunay ito na ang kanilang pagkakaibigan ay intact pa rin matapos ang 21 taon ng pagiging love team.
Hindi napigilan ng fans ng tambalang Bea at John Lloyd na muling kiligin matapos mag-iwan ng mensahe ang aktor sa travel post ng Kapuso actress .
Hindi man nauwi sa totoong relasyon sina Popoy at Basha masaya na rin ang kanilang fans dahil natagpuan nila ang dalawang tao na lubos na nagmamahal sa kanila.
Para sa maraming fans, ang simpleng palitan nila ng mensahe online ay sapat nang muling magbalik ng “BeaLloyd” kilig.
***
KANISHIA SANTOS MAY ANGAS NA ANG PAGBABALIK SA MUSIKA
BALIK-singing ang younger sister ni LA Santos na si Kanishia Santos after a short break.
Napanood namin siya nang mag guest sa Letters and Music sa Net 25, kamakailan.
Ibang-iba na ang dating ni Kanishia unlike before na may pagkamahiyain pa.
But this time, habang pinagmamasdan namin siyang kumakanta iba na ang datingan niya, kumbaga may angas na.
Sabi nga ng mga nakakakilala sa kanya, ‘she’s back with music that’s bright, bold, and all her own.”
2021 nang magrelis siya ng una niyang kanta, ang A Little Taste of Danger at Never Feel Pretty.
2022 ay nag-shift naman siya sa mas vulnerable at melancholic sound sa EP Born to Cry, na may six-track collection sa napaka-emotional na mga kanta.
Sa ngayon ay nagrenew ng kontrata si Kanishia sa Star Pop, ang sub-label ng ABS-CBN.
Ayon sa singer parang nagsisimula raw siyang muli bilang singer dahil iba na naman daw ang kanyang galawan sa pagkanta.
“She moves on from her sad girl era to something more vibrant.”
Pag-amin niya hindi raw madaling tahakin ang landas na kanyang tinatahak.
“While working on her new music, she took a step back to breathe, reflect, and figure out who she wanted to be as an artist.”
Kumukuha na lang daw siya ng lakas sa kanyang kuya na isa ring singer, si LA Santos.
Aniya, “Si kuya po yung isa sa laging sumusuporta sa ’kin sa lahat ng ginagawa ko in the industry. Ang daming hardships—dun niya po ako gina-guide, knowing that he has been in the industry longer than me. He tells me to rest when I need to and reminds me na laging may time to continue doing my work. I super appreciate him for that.”
Anyway, IKYK at Paraiso ang kinanta ni Kanishia aa kanyang guesting.
Part daw yun ng kanyang 2nd album called “IKYK”
Aside singing ay isa ring stage actress si Kanishia.
Kasama siya sa Ang Supremo, isang musical play under Vince Tañada’s Bonifacio.
Host din siya sa programa ng Net 25 Kada Umaga at Radyo Agila’s Kapitbahay (Wednesday edition).
Nakagawa na rin siya ng movie, Maple Leaf Dreams at Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.
Aside from that achievements may mga TVC rin ang aktres/singer.