Advertisers

Advertisers

Poe ibinulgar: P464.9-Bilyon pondo ng PhilHealth, nakatengga!

0 32

Advertisers

Maynila, Pilipinas — Isang malaking rebelasyon ang inilabas ni Rep. Brian Poe: may P464.9-bilyon na pondo ang PhilHealth na nananatiling hindi nagagamit, habang patuloy ang hinaing ng mga Pilipino tungkol sa kakulangan ng tulong medikal at subsidyo.

“Marami sa ating mga kababayan ang lumalapit sa DOH para humingi ng tulong, at kadalasan naman natutugunan sila… kaya nagpapasalamat ako,” ani Poe.

Dahil dito, diretsong tinanong ng kongresista ang PhilHealth ukol sa aktwal na estado ng kanilang pondo, upang masigurong maisasakatuparan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawakin ang mga serbisyong medikal.

Batay sa ulat ng ahensya, noong Hunyo 2025 ay mayroon silang hawak na P464.9-bilyon mula sa premium collections at subsidyo ng pamahalaan.

Nilinaw ni Poe na dapat malaman ng taumbayan ang totoo: “May maling akala na wala talagang pondo ang PhilHealth. Kaya gusto ko pong ilagay sa record: may ?464.9-bilyon ang PhilHealth ngayon. Importante na alam ng taumbayan na may sapat na pondo para matulungan sila,” giit niya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ayon naman sa PhilHealth, may sapat na pondo at maaari itong gamitin kung aprubahan ng kanilang board: “So theoretically po, puwedeng gamitin ang kabuuan… kung mag-desisyon ang board na dagdagan ang benefit payment, puwedeng gamitin ang pondong iyon,” paliwanag ng kinatawan.

Dagdag pa nila, nakatakdang umabot sa P350-bilyon ang benefit payout sa 2026, 18% na mas mataas kaysa ngayong taon, para suportahan ang mga programang gaya ng YAKAP at Z-benefits.

Nagpakita ng kasiyahan si Poe sa naging paglilinaw ng ahensya: “Masaya akong marinig na kaya ng PhilHealth pondohan ang healthcare packages sa susunod na mga taon. Importante na malaman ng taumbayan na kaya pa rin nating tugunan ang kanilang pangangailangan,” sabi niya.

Bilang huling hakbang, humiling si Poe ng kopya ng updated benefit packages at projections ng PhilHealth para isumite sa Komite at sa kanyang opisina, upang matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng bilyon-bilyong pondo.