Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAKAHANDA na si Ken Chan para sa lock-in taping ng serye ng GMA 7 na Ang Dalawang Ikaw na muli niyang makakapareha ang ka-loveteam na si Rita Daniela.
Pinost ni Ken sa kanyang IG Story ang mga essentials na dadalhin sa kanyang lock-in taping na tatagal din ng ilang linggo. Mistulang sasabak sa giyera si Ken dahil anim na storage box ang kanyang dadalhin na puno ng pagkain at tatlong maleta ng damit na kanyang gagamitin.
Ayon pa kay Ken, siya mismo ang nag-ayos ng dadalhin sa taping. Kung sabagay ay hindi ito ang unang pagsabak niya sa lock-in taping. Matatandaang una niya itong naranasan nang mag-shoot sila ni Rita ng kanilang first movie na My First and Always last year sa gitna ng pandemya.
Nagpapasalamat din si Ken sa GMA 7 dahil hindi siya pinababayaan ng Kapuso Network na bigyan ng project sa gitna ng pandemic.
Dalangin niya na matapos na ang dinaranas ng buong bansa at maging normal na muli ang buhay ng tao sa buong mundo.
***
AYON sa post ni Claudine Barretto ay kaagad silang nagpa-swab test ng kanyang kapatid na si JJ matapos na magkaroon sila ng lagnat.
“Palanggas, hello po. Covid Swab kami ng kuya ko beoz pareho kami nagka-fever yesterday, jjbarretto.”
As of today ay wala pang update si Claudine sa resulta ng kanilang swab test.
Nagdarasal at umaasa ang kanyang mga fans na sana negative ang resulta ng test.
Sana nga ay negative ang swab test ni Claudine dahil nakatakda na siyang sumabak sa kanyang comeback movie na ididirek ni Joel Lamangan na prodyus ni Atty. Ferdie Topacio.
Ang nakatatakot pa ay nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng virus na galing sa UK. At isa nga sa mga sintomas ng coronavirus ay fever.
***
FINALLY, nagsalita na rin si Ellen Adarna tungkol sa break-up nila ni John Lloyd Cruz.
Ayon sa controversial sexy actress na kahit nagkaanak na ay marami pa ang nagpapantasya sa kanyang alindog.
Inamin ni Ellen na siya ang may pagkukulang kaya naghiwalay sila ni Lloydie. Pero lahat ng ito ay natanggap na nila pareho ngayon ng actor.
Ngayon ay okey na sila kung paano palalakihin nang maayos ang kanilang anak na si Elias.
Balik-arte muli ang aktres sa Ellen and John na mapapanood sa TV 5.