Advertisers
ODIONGAN, ROMBLON – KUNG uurong si Leni Robredo bilang pangunahing kandidato ng oposisyon sa 2022, hindi katapusan ng mundo. May pagpipilian ang oposisyon mula sa tatlo: Franklin Drilon; Kiko Pangilinan at Sonny Trillanes.
Sinuman sa kanila ay kuwalipikado na maging kandidato ng oposisyon. Dala nila Drilon, Pangilinan, at Trillanes ang talino, kakayahan, at dedikasyon upang pamunuan ang bansa. Lahat sila ay pawang senador.
Sakitin lamang si Frank Drilon. Iniinda niya ang kanyang diabetes. Nagpasabi na gusto na niyang magretiro sa magulong pulitika. Ngunit tila hinihigop siya ng pulitika na manilbihan muli para sa kanyang panghuling awit.
Gayundin si Kiko Pangilinan. Nais ni Kiko na magretiro at magsaka na lamang.Tanging si Trillanes ang nasa kabataan at may gustong manilbihan sa bayan. Hindi kinakikitaan ang tulad ni Sara Duterte at Manny Pacquiao ng ganitong pagnanasa. Gustong lang nilang maging presidente.
Wala kaming magawa kundi ibigay ang aming suporta sa may nais maging pangulo ng bansa. Hindi namin nais ang sakitin at gustong magsaka na lamang. Hindi rin namin gusto ang sinuman na may gusto ngunit alam namin na walang kakayahan na mamuno sa sambayanan. Gusto namin ang may gusto at may kakayahan.
Ayaw ni Leni ang pumagitna sa rueda. Masyadong malaki ang gastos sa kampanya. Aabot ng bilyones. Mas gusto niya ang tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur. Madali niyang tatalunin ang mga Villafuerte, na wala naman ipinakita sa lalawigan. Hindi aabot sa bilyon ang gastos.
Huwag rin pansinin si Duterte. Hindi naman nagsasalitang tapat si Duterte. Palaging may sabit. Asahan ang kabaligtaran sa bawat sasabihin. Hindi siya maaasahan. Hindi siya matapat na tao sa bawat sasabihin.
***
Malapit na ang halalan sa pampanguluhan sa 2022. Marami sa ating kababayan ang ayaw ng mga toxic na pangungusap. Gusto nila ay pawang positive. Madali iyan ngunit lingid nga lamang sa katotohanan. Wala naman talagang nagawa ang gobyerno ni Rodrigo Duerte kundi puro pasakit.
Hanggang ngayon isang palaisipan kung lalabas siya mamayang gabi (lunes) upang singhalan at bastusin ang nais na opisyal na bansa. Isang malaking katanungan ang susunod na hakbang na gagawin sa gitna ng pandemya. Walang malinaw kay Duterte.
Ngunit linawin natin ang 17.5 kilometro, P26.5 bilyon na Skyway 3. Hindi ito proyekto ni Duterte; proyekto ito ni Noynoy Aquino. Inumpisahan ang paggawa ng Enero, 2014, bagaman nakuha ng goberno ang pondo noon 2013. Walang gastos ang gobyerno dahil bahagi ang Skyway 3 ng Public-Private Partnership, o PPP. Maiging tumigil ang gobyerno ng tila baliw na pangulo. Hindi sa kanila iyan.
Idinudugtong ng Skyway 3 ang Nlex at Slex. Tanging ang gumagamit lamang ng Skyway 3 ang may gastos sa Skyway. Hindi nila kailangan dumaan sa magulong trapiko sa ilalim ng Skyway 3. Tanging ang paggupit lamang ng laso ang kontribusyon ni Duterte. Maliban sa paggupit ng laso, wala na siyang kontribusyon.
***
Bakuna para sa 100 milyones sa susunod na unang 100 araw ng panunungkulan ni Joe Biden sa Estados Unidos. Iyan ang unang ikatlo (1/3) ng populasyon ng bansa. Ambisyoso ngunit kaya ni Joe Biden ang pangarap. Gusto rin ng administrasyon Biden na bigyan ng $1.7 trilyon ang mamamayan at negosyong Amerikano na apektado ng pandemya na dala ng Covid-19.
Maigi sila at alam nila ang gusto nila. Ganyan sa Estados Unidos. Lahat ay malinaw at inilalagay sa mesa. Hindi ganito sa Filipinas. Lahat ay patago at hindi malinaw. Itinatagong pilit ni Duterte.
***
MGA PILING SALITA: “The real Duterte Legacy: death, corruption and treason. Everything else is propaganda.” – Nuelle Duterte, pamangkin
“The world of politics is always twenty years behind the world of thought.” – John Jay Chapman
“Former U.S. President Barack Obama usually delivered prepared speeches during his eight years of incumbency. But they were mostly of outstanding quality, making them gems that constituted his legacy as the U.S. top leader. I doubt if the speeches delivered publicly by Donald Trump and the sick old man of the South would qualify as gems. Those rants, curses, and words of intimidation, threats and bitterness by the sick old man are better deleted than printed. They are not worth remembering. They do not make us feel good or proud. They do not unify our country; on the contrary, they divide us. Those public addresses cause so much negative vibes in the country. Any person raised in an atmosphere of decency and productive education would feel debased by the addresses of the cranky, old crazy sick man of the South.” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com