Advertisers

Advertisers

Puros debate, imbestigasyon, mga Pinoy nganga sa bakuna

0 244

Advertisers

HABANG ang mga karatig bansa ng Pilipinas ay nagsasagawa na ng mass vacinations kontra Covid-19 sa kanilang mamamayan, sa Pilipinas naman ay puros debate at imbestigasyon pa ang nangyayari para makabili ng bakuna, sa kabila ng libu-libong Pinoy na ang nasawi/nasasawi at nasa sampong buwan nang under community quarantine ang bansa.

Paanon naman kasing hindi magsagawa ng imbestiga-syon ang Kongreso eh nakailang utang na ang gobyerno para sa panlaban sa virus ay hindi parin ito nakakabili ng bakuna.

Napakarami nang available na bakuna sa malalaking bansa tulad ng Moderna ng US, AstraZeneca ng UK, Pfizer ng US/Germany, Gamaleya ng Russia, Sinovac ng China at Novavax ng US.



Pero hanggang ngayon ay pinagtatalununan parin kung ano ang mga bibilhin. Pinagdidiinan ng gobierno ang Sinovac ng China. Pero kontra rito ang marami dahil sa ulat na masyadong mababa ang efficacy rate ni at mahal pa, kumpara sa ibang bakuna na mas mataas ang ispiritu at mura tulad ng Pfizer at AstraZeneca.

Ang isa pang dahilan ng pag-iimbestiga ng Kongreso sa Inter-Agency Task Force kontra covid na binubuo mostly ng retred military generals sa pamumuno ni dating AFP Chief Carlito Galvez ay ayaw nilang isapubliko kung magkano ang kuha nila sa Sinovac vaccine.

Samantalang sa ibang karatig bansa ay isinasapubliko nila kung magkano per dose ang bakuna. Ayon sa ulat, sa Indonesia ay lumalabas na tig-P600 lang ang per dose ang Sinovac, habang ang sa AstraZeneca ay tig-P300 ang per dose.

Depensa ng tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Harry Roque, hindi nila puede isapubliko kung magkano ang kuha nila per dose sa Sinovac dahil… ewan!

Ayon naman kay Sec. Galvez, mali-mali ang mga kumakalat ng price list ng vaccines sa social media. Kung mali, ano ang tama? Bakit ayaw nilang isapubliko para malaman ng taongbayan kung ano ang totoo.



Hangga’t sila-sila lang ang nakakaalam kung magkano ang presyo ng bakunang ituturok sa mga Pinoy, patuloy na magdududa ang publiko na sila’y nangumisyon o may kickback nga sa pag-angkat sa vaccine. Mismo!

Karapatan ng bawat Pinoy na malaman kung magkano ang halaga ng inangkat na daan-daang milyong bakuna dahil taxpayers money ang pinambili rito.

Hindi puwedeng igiit ng mga gabinete ni Duterte na libre ang bakunang ituturok sa atin. Hindi tanga ang mga Pinoy para maniniwala na ang P82.5 bilyong pambili o ipinambili ng bakuna ay galing mismo sa bulsa ni Duterte. Walang kahit sinong bilyonaryo sa mundo ang gagawa noon.

Again and again and again… since taxpayers money ang pinang-angkat ng mga bakuna kontra covid, dapat isapubliko ng gobyerno kung magkano ang papatak na halaga ng per dose nito. Mismo!

Paulit-ulit na sinasabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mga public address na transparent ang kanyang administrasyon. Kung ganun… isapubliko nyo, Mr. President, ang presyo ng binili o bibilhing bakuna para lubos kaming maniniwala sa pagiging transparent ng inyong pamahalaan. Now na!

***

Inanunsyo nina Sec. Galvez at Sec. Roque na sa Pebrero darating ang unang batch ng bakunang Sinovac. Good! Ang tanong: May magpapabakuna kaya?

Abangan!