Advertisers

Advertisers

Hepe ng Makati pulis, 2 pa sinibak!

0 247

Advertisers

INAPRUBAHAN na ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang rekomendasyon sa pagtanggal sa pwesto ng Makati Police Chief, Southern Police District Medico-Legal Officer, at dalawang imbestigador dahil sa mga umanoy kakulangan sa Christine Dacera case.
Ayon kay Sinas na “momentarily relieved” ang mga nasabing opisyal at pulis sa kanilang pwesto.
Sinabi pa na hindi naman umano basta-basta ipapatupad ang pangtanggal sa mga ito sa pwesto.
Matatandaang nakita ang walang buhay na katawan ni Dacera sa bathtub ng hotel sa Makati matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Nauna nang hinuli ang tatlong nakasama ni Dacera sa party pero pinakawalan ito dahil sa kakulangan sa ebidensyang rape-slay case ang kaso.(Gaynor Bonilla)