Advertisers

Advertisers

‘Di totoong balik sa GMA… Yassi gagawa ng show sa TV5 kaya babu na sa ‘Probinsyano’

0 409

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA
RATSADA na naman ang mga vlogger na mahilig magpakalat ng mga fake news sa ating mga local celebrity at ang latest victim nila ay si Yassi Pressman na kamakailan lang ay umalis sa ABS-CBN na ibinalita nilang lahat sa kanilang mga vlog na nakunan kaya malungkot daw si Coco na ama umano ng bata.
Ang the height pa ay dinalaw pa raw ni Julia Montes si Yassi sa ospital at nakisimpatiya sa kapwa actress. Nakabibilib talaga ang lakas ng loob ng mga vlogger na ito na pwedeng kasuhan ng mga artista lalo’t puro imbento ang ikinakalat nila sa Youtube.
And to clear the issue ay hindi totoong nabuntis ni Coco si Yassi kaya pinatay ang character nito sa FPJ’s Ang Probinsyano kundi ililipat na siya ng Viva Artists Agency sa TV 5.
Yes, sa Singko gagawa ng project si Yassi at hindi totoong babalik na ang actress sa GMA tulad ng ikinakalat ngayon ng fake vloggers.
***
Liza Javier Certified Recording Artist Na, Unang Single Na “Sayang Lang” Kinompos Ng Lumikha Ng ‘Pusong Bato’ Na Si Rene Alon Dela Rosa 

 

Very lucky ang kilalang Deejay-Musician na si Liza Javier na kilala sa iba’t ibang parte ng Japan at ang first single niya na “Sayang Lang” na original Tagalog love song na kinompos ng nagpasikat ng
“Pusong Bato” na phenomenal na kanta noong early 2000 na si Rene Alon Dela Rosa.
Kaibigan ni Liza ang singer-composer na si Alon at tuwing may concert ito sa Japan ay parating nagkikita ang dalawa
at dito nabuo ang kanilang friendship.
Samantala, napakahalaga para kay Liza ang unang niyang single na pinatutugtog na sa ilang FM Stations sa Japan at ito ang katuparan ng malaki niyang pangarap na maging recording artist.
At hindi naman napahiya ang kaibigan naming Diva dahil
ang ganda ng song niya mula sa lyrics nito, melody, at recording. “Matagal ko nang dream ito and gusto kong pasalamatan si Alon at binigyan niya ng katuparan ito. And happy ako at kare-release lang ng single ko at maganda ‘yung feedback at marami na ang nagkakagusto,” say pa ni Liza na gustong pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya tulad ng friend niyang Deejay
from Australia na si Gee Lagak Agustin ng Barkadahan 4Ever FM at Gippsland FM 104.7 at ang 2DAY FM The Best na parehong all-out ang support sa bagong recording artist.
Napakinggan din sa aming solo vlog (Chika Mo Vlog Kabog) ang Sayang Lang ni Liza at naging instant favorite agad namin ito.
***
Ka Rex Cayanong Ng “Target On Air” Ang Mag-utol Na Ben at Erwin Tulfo Ang Sinundang Yapak Sa Pagiging Radio Commentator            
Sa Tulfo Brothers ay si Ben Tulfo na kanyang pinapanood noon sa BITAG LIVE sa UNTV-37 ang idolo ng matagal na ring broadcaster na si Ka Rex Cayanong na naging maingay din ang pangalan
sa social media dahil sa programang “Target On Air” sa Youtube na maraming subscribers.
In fact, in a span of one year dahil sa walang takot niyang pagbabatikos sa katiwalaan at ilegal na gawain sa kanyang subject ay hinangaan at naging paborito ng mga kilalang pulitiko tulad ni Sen. Bong Go na nakasama ang broadcaster sa kanilang pamamahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal also former Senator Bongbong Marcos na respetado si Ka Rex.
Nabatikos din noon ni Ka Rex si Vice Ganda at nababastusan at nayayabangan siya rito. Pero hindi puro birada lang ang laman ng programa ni Ka Rex na ngayo’y isa na sa mga respetadong broadcaster ng DZME (1530KHZ) na mapakikinggan ang programa mula Lunes hanggang Biyernes 3:00 to 4:00 PM.
Kapag may dapat namang purihin ay nagbibigay pugay siya sa
gusto niya at patas sya sa lahat. At tulad nina Ben at Erwin na parehong iniidolo ng masa, para makatulong din siya sa mga kababayang nakararanas ng pang-aapi at pang-aabuso sa
Pinas at abroad (mga OFW) ay nasa planning stage na ang pagpapatayo ni Ka Rex ng Action Center sa Kyusi para sa programang Target On Air.
Pansamantala ay pwede nang isangguni ang inyong problema o reklamo sa Action Center ni Ka Rex sa 2B Getapia Bldg., Brgy. Dolores, Rizal. Isa ring kolumnista ng tabloid ang radio and social media commentator at tumanggap na rin ito ng ilang awards.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">