Advertisers

Advertisers

Sa pag-iwan sa 8 yrs. na dyowa… Joem nag-deactivate ng socmed accounts para iwas-bash; Ara atat na ang anak na magka-baby sister

0 289

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
AYAW na ngang ma-nega o ma-bash ni Joem Bascon dahil sa nabuking na ang dahilan kung bakit ang 8 years na relasyon sa vlogger na si Crisha Uy ay natapos.
Pero October last year ay nagkaroon na nga raw ng hindi magandang pagkakaunawaan ang mag-ex na Crisha at Joem.
May naririnig na rin nga si Crisha mula sa kanilang mga kaibigan na tila may kinahuhumalingan na si Joem.
Dahil takot ma-nega kaya agad na nag-deactivate si Joem ng kanyang socmed account.
Sa kabilang banda ay puro happy moments naman ang pinopost ni Meryll Soriano sa kanyang IG na siya raw third party sa hiwalayang Joem at Crisha.
Dedma naman si Meryll sa mga nega na komento bagkus ini-enjoy nito ang pag-post ng masasaya nilang moments ni Joem at ang kanilang bagong silang na baby.
Parang bulag na walang nakita o nabasa kahit anong bato ng intriga kay Meryll.
Si Joem ‘di na rin makababasa ng mga nega comment dahil wala na itong IG at Twitter.
***
HINDI man daw ganun ka-close si Amanda Gabrielle, anak ni Ara Mina kay Patrick Meneses sa fiance nito na si Dave Almarinez nagkikita rin naman sila.
Nag-drawing pa nga ito na nandun ang name nina Ara, Amanda Gabrielle at  Dave.
Excited na nga raw itong magkaroon ng baby sister.
Kaya may mga tatapusin lang daw itong mga commitment at ready na itong pakasal this year sa dyowang si Dave.
Kahit naman si Ara ay excited na rin sa pag-iisang dibdib nila ng fiance.
At ‘pag dumating na ang special na araw na ‘yun ay magiging happy na si Ara at masasabing may happy family na siya.
Kahit si Mandy ay magiging masaya lalo pa’t lumaki kasi ito na magkahiwalay ang kanyang parents.
Kaya naman hindi maiaalis na nami-miss nito ang pagkakaroon ng Daddy figure at kapag naikasal na nga raw si Ara sa fiance ay happy family na silang maituturing.
Well, well, well…’Yun na!