Advertisers

Advertisers

Kapit sa Patalim

0 357

Advertisers

WEAKNESS is what brings ignorance, cheapness, racism, homophobia, desperation, cruelty, brutality, all these things that will keep a society chained to the ground, one foot nailed to the floor.
— American musician Henry Rollins

PASAKALYE

May dalawang linggo nang nakalipas ng pumanaw ang aking ina at hanggang ngayon ay nagdadalamhati ang aking kalooban sa paglisan niya sa aming piling. Makulit man ang nanay ko, alam kong ako ang paborito niya anak at ito ang lalo pang nagbigay kurot sa aking puso na ngayo’y hindi ko na siya madadalaw pa sa tuwing may okasyon sa San Jose Del Monte, Bulacan, na kung saan ay kasama niya ang nakatatanda kong kapatid na babae at ang pamangkin kong anak niya at asawa nito at ang kanilang walong aso.



Paalam ang aking ina . . .

* * *

ANO nga ba ang magagawa ng pera—lalo na sa panahon ngayon ng pandemya na kung kailan ay maraming mga kababayan natin ang walang trabaho, walang pinagkakakitaan kaya kapit na sa patalim, ‘ika nga.

Sa kababaihang kapos sa pinansyal at walang natatanggap mula sa kanilang asawa o ama ng kanila ng mga supling, partikular na yaong hiniwalayan o iniwan o nangapitbahay ang kinakasaama, marami sa kanila ang tunay ngang gumagawa ng anumang paraan para lang mabuhay at maitaguyod ang kanilang pamilya.

Kaya nga mayroong mga babae na pumapatol sa sinumang lalaki na may kakayahang magbigay ng suporta sa kanilang pangangailangan—sabi nga, kapit sa patalim.



Subalit hindi lagging maganda ang nagiging resulta ng ganitong situwasyon. Maraming babae ang naaabuso dahil sa kapit sila sa patalim—sinisikmura ang pag-aabuso sa kanila para lang kumita ng kaunting pera para sa kanilang mga anak at pamilya. Kahit nga kahihiyan ay binabalewala para lang mabuhay.

Kamakailan, isang 24-anyos na dalaga ang hindi akalaing atakihin sa puso at mamatay ang kanyang ‘sugar daddy’ na isang bank manager habang sila’y nagtatalik sa isang resort sa bayan ng Compostela sa Cebu.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang 59-na lalaki’y binawian ng buhay sanhi ng cardiac arrest.

Isinalaysay ng kaulayaw ng biktimang taga-Barangay Yati sa Liloan na sa una pa lang nilang pagtatalik ay sadyang naging agresibo ang kanyang kalaguyo subalit sa ikalawang pagkakataon na labingin siya’y ditto na nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang lalaki hanggang sa magkombulsyon.

Sa panayam sa dalaga, sinabi nitong tatlong taon na silang may relasyon ng bank manager at binibigyan siya nito ng PhP2,000 kada linggo bilang suporta sa kanyang mga pangangailangan. Tsk tsk tsk . , ,

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!