Advertisers
NGAYONG Oktubre na nga pala ang filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa local and national elections sa May 2022.
Patapos na ang unang buwan ng taong 2021 kung kaya’t tila nasa sulok-sulok na ang diskartehan ng mga siguradong lalahok na pulitiko.
Incumbent man o mga bagitong nagnanais pumasok sa masalimoot ng daigdig ng pulitika.
Kung maganda ang bakbakan sa national level, asahang ganito rin halos ang sa lokal ngunit mas mainit at mas madugo ito.
Bakit kamo?
Magiging sa pagitan kasi ito ng mga dating magkakaalyado, magkakaibigan, magkukumpare at magkakapamilya!
Ilan sa mga inaasahang magiging mainit, magulo, madugo at marahas ang halalan ay sa mga lalawigan ng Abra, Pangasinan, Cavite, Isabela at sa ilang pang lalawigan sa Mindanao gaya ng Sulu, Tawi-tawi at Maguindanao.
May ilang lugar din na inaasahang malalagay sa hotspots sa Cebu at Bohol.
Mismong ang labanan sa pagka-alkalde ng Cebu City inaasahang magiging dikdikan sa pagitan nina reelectionist Mayor Edgardo Labella,kaalyado at personal na “manok” ni Pangulong Digong Duterte, ex-Mayor Tomas “Tommy” Osmena at sitting Vice Mayor Michael “Mike” Rama.
Sa Cavite naman po ay inaasahang mananatiling magkaalyado ang mga Remulla at Revilla kontra sa Sen. Ping Lacson backed Malicse clan.
May third force pang nabuo sa nasabing lalawigan at ito ay mula sa pamilya Tolentino ng Tagaytay City.
May ilan pang probinsiya na ang mga kumakandidatong pulitiko ay mga retired police and military generals and officers kalaban naman ang mga may tahid at seasoned political clans gaya ng sa Pangasinan, Zambales at sa Region 1.
Sa Makati City, Junjun Binay pa rin ang hahamon sa liderato ng kanyang ate na si Mayor Abby at sa bayaw nitong Luis Campos, and this time, isang mas palabang Junjun Binay ang makikita ng mga Makatizens.
Sa national level naman, we cannot totally discount that Davao City Mayor and presidential daughter Inday Sara Duterte-Carpio is out of the running kahit sinabi pa nitong walang siyang interest na tumakbong Presidente ng bansa.
Remember, si Inday Sara or shall we say the Iron Lady of the South (Davao) is still the number 1 choice ng mga Pinoy base sa latest Pulse Asia survey wherein she got an incredible 28% of people’s preference.
Ilan pa sa mga presidentiables na lumulutang ay sina boxing icon, Senator Manny Pacquiao, business tycoon Manny Villar, Vice President Leni Robredo, former Senator and 2016 Vice presidential candidate Bongbong Marcos, Senator Grace Poe and SMC top honcho Ramon Ang.
Pero sa kabila ng tila maikling listahan ng mga presidential wannabes na ito, nananatiling solid favorite o llamado itong si Inday Sara.
Tanging si Inday Sara lamang ang preparado almost at all fronts ng labanan!
As the saying goes, “blood is thicker than water”!
And at the end of the day, kapag tumining na ang tubig, sino nga ba ang susuportahan ni Tatay Digong Duterte at ng milyung-milyong taga-suporta nito.
Malaking factor din ang grupo ng simbahan o sekta ng relihiyon ng may milyong tagasunod gaya ng INC ng mga Manalo, JIL ni Bro. Eddie Villanueva at Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy.
Kung hindi nagkakamali ang ating mga sources, ngayon pa lamang umano ay may kanya-kanya nang napipisil ang mga grupong ito na kanilang susuportahan sa nalalapit na 2022 presidential derby.
And our intelligent guess is, si INDAY SARA DUTERTE po ito at wala ng iba.
“Yan din po ang pulso sa hanay ng pulisya at military pati na ng kani-kanilang pamilya!
Continuity po ng liderato upang patuloy na makapamahay sa sistema ng bansa ang pagbabago at pag-unlad para sa kapakanan ng mamamayan.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com